^

House tour ng mga artista, nakakatulong sa mga magnanakaw!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2021 - 12:00am

‘Kaloka naman ang nangyari kay Xian Lim. Napagnakawan ang bahay niya dahil pakiramdam ng iba naplanong mabuti nang magbigay ng house tour sa kanyang vlog sa social media si Xian.

Iyan na nga ang isang nakakatakot ‘pag ganyang nakikita na ng lahat ang lugar mo na hindi ganun kahigpit ang security, nagiging madali ang paghahanda ng magnanakaw kung paano papasukin ito.

Siguro nga ganu’n na lang ang takot na nadama ni Xian nang pagnakawan ang bahay niya, ‘yung feeling na any moment pala puwedeng merong pumasok, ‘yung dapat talaga maging mahigpit sa security at magkaroon ng bantay 24/7 araw at gabi.

Hay naku, ingat-ingat dahil iba na ang panahon ngayon. 

Mga lumang pelikula, patok pa rin

Ang dami palang nagawang pelikula nina Christopher de Leon at Lorna Tolentino. Na-realize ko iyan habang nanonood ako ng mga lumang pelikula na inilalabas ngayon sa TV. Marami sa pelikula ang magaganda, pero meron din na hindi ko masyadong nagustuhan.

Saka iba pala talaga chemis­try nina Christopher at Vilma Santos, para bang alam na alam na nila ‘yung acting na gagawin nila sa bawat eksena.

At ang mga dialogue sa old movies nila, para namang very in pa rin hanggang ngayon kahit na nga matagal nang nagawa ‘yung movies na inilalabas ngayon.

Maganda ang resulta ng showing of old movies dahil makikita mo ang old works ng mga artista at director. At kung ikukumpara mo sa ngayon, masasabi mo na parang hindi naman nagbago dahil  ‘yung storyline noon, inuulit lang ngayon sa ibang movies at TV show.

Nice thing na makita ng new generation ang mga unang trabaho ng senior stars, at least makita nila ang difference sa young stars of today, pati ang trabaho ng directors at scriptwriters. 

XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with