^
Glaiza, parang nasa alapaap pa rin!
Glaiza

Glaiza, parang nasa alapaap pa rin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2021 - 12:00am

Kitang-kita namin ang sobrang kaligayahan ni Glaiza de Castro nang muli namin siyang nakapanayam via zoom sa programa namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Isa sa ini-enjoy niyang pag-usapan ay ang nangyaring proposal na kung saan wala raw talaga siyang kaide-ideya sa preparasyong ginawa ng fiancé niyang si David Rainey. Hindi lang siya sure kung nasa 3rd o 4th day pa lang ng bakasyon niya sa Ireland nang mag-propose si David.

Kuwento ni Glaiza, nakaugalian na raw nilang maglakad o nag-picnic kapag breakfast nila.

Late raw kasi ang sunrise doon dahil winter, kaya nung araw daw na iyun ay mag-alas nuwebe na ng umaga ang sunrise. “Typical kasi kay David mag-aya para sa sunrise eh. Gigisingin niya ako, breakfast kami somewhere na parang picnic type. Pero nung time kasi na yun, sobrang lamig. So, talagang nag-ready kami ng food, ng coffee.

“Tapos, medyo naging weirdo lang few minutes before the proposal, nung before niya ako tinanong. Kasi, apparently tina-timing niya kasi yung pagputok ng araw. Nung araw na ‘yun, ang forecast, 9 o’clock yung sunrise. Tapos nagdi-delay siya. So, parang ano ang nangyayari, bakit hindi pa tayo kumakain? Kasi nagugutom na ako. So, before nun, kumuha muna ako ng tinapay, nag-kape muna ako, tapos parang niyayakap niya ako, kinakausap niya ako. Tina-try niya akong i-distract. Tapos iniisip ko kung ano ‘yung nangyayari?

“May weirdo akong feeling, ‘yung parang merong mang­yayari. Pero tinata-try kong i-brush off. So, nung dinala niya ako sa isang spot, nagpatugtog siya. Ito ‘yung song na dahilan kung bakit kami nagkakilala.”

Ito raw ‘yung kantang Loaded ng bandang Primal Scream na pareho pala nilang gusto nung nagkakilala sila sa Siargao.

Ginawa raw ito sa favorite spot ni David sa may Ards Friary na kung saan doon daw sila madalas nagpi-picnic. “Kasi eversince bata pa lang sila dun sila pumunta tuwing Summer until na magkaroon sila ng lugar sa Belfast. Nung nagpatugtog na naman siya, tina-try ko na naman siyang i-brushoff na yey party, ganun. Akala ko nagpapatugtog lang siya kasi typical of him na nagdala ng ­spea­kers, ­magpatugtog habang kumakain kami. Tapos bigla siyang humarap sa akin. Sabi niya, ‘can I ask you something’.

“Tapos, shocks eto na ba yun? Oh my God! Tinitingnan ko lang siya ng matagal, naiiyak na ako. Parang, oh my God! Eto na ba ‘yun? Tapos, lumuhod na siya tapos pinresent na niya yung ring, parang naloka na ako…as in hagulgol level,” dagdag niyang kuwento sa amin.

Ngayon lang daw nag-sink in sa kanya na tuwing may ginagawa raw siyang ganung eksena, nagtataka siya bakit naiiyak ang babae. “Sobrang nilalamig ako kasi mahangin din nung panahon na ‘yun. Parang hindi totoo. Lahat nung time na nangyari ‘yun, parang hindi siya totoo. So, parang ‘yung nasa alapaap ako. Parang nananaginip. Tapos pagkasabi ko ng ‘yes’, biglang pumutok yung araw. Timing na ganun. Biglang nagliwanag talaga,” napapangiting salaysay ng Kapuso actress.

Ang maganda pa sa ginawa ni David, nagpaalam daw muna ito sa magulang niya. Nag-effort daw na mag-aral ng Tagalog para magpaalam via video chat. “Pina-translate niya ‘yung gusto niyang sabihin sa kaibigan namin sa Baler, tapos may kodigo siya. Kasi tagalog niya kinausap yung parents ko,” natutuwang pahayag ng aktres.

Ngayon ay inuuna raw muna nila ang paghanap ng venue ng wedding, at meron pala silang sinisimulang negosyo na isang café sa Baler. Isa ito sa investments nila dito sa bansa, dahil gusto raw ni David na manirahan dito sa Pilipinas.

Nadiskubreng nasa kuwarto lagi ng bortang aktor baguhang magandang aktres sinugod ng mayamang BF sa lock-in taping

Ewan ko kung gaano katotoo ang kuwentong nakarating sa aming may nangyaring suguran daw sa isang lock-in taping ng isang drama series.

Kasama raw sa seryeng iyun si baguhang maganda at seksing aktres at ang borta at guwapong aktor.

Nasa safety protocols ang ilang oras lang na taping kaya maagang napa-pack-up.

Hindi naman natutulog kaagad ang ibang artista kundi abala pa sa kung anu-anong ginagawa.

Eh ang isa sa pinagkakaabalahan nitong dalawa ay nala-lock in sila sa isang kuwarto. Pumupunta raw si baguhang aktres sa kuwarto ni bortang aktor at wala kaming ideya kung ano ang ginagawa nila kapag naka-lock in na sila roon.

Marami raw ang nakaalam at maaring merong nagparating sa non-showbiz boyfriend ni baguhang aktres.

Nagulat na lang daw sila nang sumunod na araw, biglang dumating sa set ang non-showbiz boyfriend ni baguhang aktres. Galit daw itong sinumbatan si baguhang aktres. Tinapos na raw ang relasyon nilang dalawa at ang ikinaloka raw ng lahat, binawi raw ni non-showbiz boyfriend ang mga ibinigay nito kay baguhang aktres.

Hindi lang idinetalye sa amin kung ano ang mga nabawi, pero may ilang gadgets daw na isinoli.

Super yaman pala itong si non-showbiz boyfriend at ang dami raw naibigay kay baguhang aktres.

GLAIZA DE CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with