^

Singer-actress na mas bagay magluto, kasumpa-sumpa ang ginawang pang-aabala sa dalawang aktor

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2021 - 12:00am

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nakakalimutan ng dalawang lalaking perso­nalidad ang mga pinautang na masasakit na salita sa kanila ng isang singer-actress.

Idinamay sila ng female personality sa isang isyung kung tutuusin ay wala naman silang kinalaman. Binulabog sila nang walang patumangga ng babaeng personalidad.

Hanggang ngayon, kapag nag-uusap ang dalawang popular na male personalities ay napapailing na lang sila, napatawad na nila ang female personality pero hindi ang matitinding paratang nito sa kanila.

Kuwento ng aming source, “May pinag­daanan ang female personality, napakapersonal, nagkaproblema sila ng live-in partner niya. Nagkataon naman na kaibigan nu’ng dalawang male personalities ‘yung hinahabol ng babaeng ‘yun!

“Aba, ayaw silang tantanan! Tinatawagan sila kahit hatinggabi, ilabas daw nila ang kaibigan nila! E, wala namang alam ‘yung dalawa kung nasaan na ang hinahanap ng singer-actress!

“Puro masasakit na salita ang ipinakain sa kanila ng girl, pare-pareho lang daw silang walanghiya! Meron pa siyang sinabing tell me who your friends are and I’ll tell you who you are!

“Pa-Ingles-Ingles pa ang hitad, e, wala naman talagang alam ‘yung dalawang male personalities sa hinahanap niyang lalaki!” inis na kuwento ng aming impormante.

Pinaliit ng female personality ang kanyang mundo, mara­ming oportunidad na tinatanggihan ang dalawang lalaking personalidad kung makakasama nila ang mapaghusgang babae, kabawasan ‘yun para sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Alangan namang siya ang kunin ng producer at ilaglag ang dalawang aktor? Bankable ang dalawa, walang ibinibigay na problema sa production!

“Ang girl naman, e, puwedeng palitan ng iba, mas magagaling pa, kaya kaninong kawalan ‘yun? Naghitad-hitaran siya, sinaktan niya ‘yung dalawa, ‘yun ang napala niya!

“Parang lukring ang babaeng ‘yun, kung sinu-sino ang inaabala niya sa personal problems niya, maraming naiinis sa kanya! Mara­ming nabubuwisit sa kanya, sa totoo lang, binulabog niya ang mga nananahimik na tao na wala namang kinalaman sa problema nila ng ka-live-in niya!

“Naku, kumanta na lang siya nang kumanta habang luto nang luto sa isang serye, ‘no, may kikitain pa siya!” pagbibigay pa ng clue na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Onli in da Pilipins, kinabog ng Amerika

Ang hagdan ay dinisenyo para pag-akyatan at gawin ding babaan. Mahirap lumundag, nakapipilay ‘yun, kaya nga may hagdanan.

Pero wala ‘yun sa utak ng natalong pangulo ng Amerika, kakambal niya ang ilusyon na siya pa rin ang ibinoto nu’ng nakaraang eleksiyon, kaya todo ang pangungunyapit niya sa posisyon.

Pinagbigyan na nga ang kanyang pagmamarakulyo, binilang uli ang mga boto sa inirereklamo niyang state na dinaya raw siya, pero milya-milya pa rin ang layo ng electoral votes sa kanya ni President-elect Joe Biden.

Napikon si President Donald Trump, hindi niya matanggap ang pagkabigo, kaya ginamit niya ang social media para pataasin ang galit at tensiyon ng kanyang mga kaalyadong napaniwala niyang dinaya lang siya.

Nagkaroon ng riot, pinasok ang US Ca­pi­tol, may mga namatay pero naghugas-kamay agad ang pangulo. Wala raw siyang kinalaman sa naganap.

Sa wakas ay sinabi niya na magkakaroon ng mapayapang pagpapalit ng kanilang gobyerno sa January 20, pero hindi ‘yun pinakinggan ng mga senador, bukas ay itutuloy pa rin ang pagpapatalsik kay Trump kahit ilang araw na lang ang natitira pa sa kanyang termino.

Pinakauna ito sa kasaysayan ng pulitika sa Amerika. Isang pangulong natalo na ayaw bumaba sa kanyang trono at ipinain pa ang kanyang mga tagasuporta para mabaligtad ang numero.

“He’s really sick,” sabi ng isang kaalyadong pulitiko ni Trump. “Very sick!” komento naman ng isang senador. Hindi lang daw ang kanyang balahurang bibig ang kailangang gamutin kundi pati ang kanyang utak.

Sabi ng isang kaibigan naming matagal nang naninirahan sa Virginia, USA, “May mga ganyan din d’yan sa atin, hindi makatanggap ng pagkatalo, pero ibang klase si Trump! Ang sarap dagukan para magising sa katotohanan na talung-talo talaga siya!”

Kapag may mga kababalaghang nagaganap sa mundo ng pulitika sa atin ay gasgas na gasgas ang litanyang “Onli in da Pilipins.”

Pero kinabog tayo ng mga headline ngayon sa mga paha­yagan sa bansa ni Uncle Sam, ang nakaulo, “Only in America!”

ACTRESS SINGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with