^
Janella, trabaho agad pagbalik ng Pinas
Janella

Janella, trabaho agad pagbalik ng Pinas

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2021 - 12:00am

Tumatanggi nang magsalita ang ilang malapit kay Janella Salvador kaugnay sa pagkakaroon nito ng anak kay Markus Paterson.

Nakaka-text ko nga si direk Manny Valera, ang manager ni Janella, tama na raw ang mga inilabas nina Janella at Markus sa kanilang YouTube at hindi na raw sila magsasalita.

Nagbigay na lang sa amin si direk Manny ng statement kaugnay dito. Aniya; “Congrats to Janella and Markus for their beautiful baby boy named Jude Trevor Salvador Patterson.

“She is thankful for all the support of family, friends and fans. She is excited to be back wor­king at the right time when she arrives from UK this January when given clearance to travel.”

May ilan pa kaming napag-usapan ni direk Manny pero ipinakiusap niyang huwag na lang isulat. Mas mabuting mag-focus na lang daw sa bagong blessing na dumating sa buhay ni Janella, at gusto na niyang makabalik dito ngayong buwan kapag pumuwede na dahil mahigpit pa rin ang pagbiyahe pabalik ng bansa dahil sa bagong variant ng COVID-19 na kumalat sa Europa.

Richard at Aiai, pagtatambalin

Feel na feel na siguro ni ­Richard Yap ang pagiging Kapuso dahil nagsisimula na siyang magtrabaho sa ilang programa ng GMA 7.

Ang tsinitong aktor ang special guest ni Eugene Domingo sa kanyang Dear Uge antho­logy na may pamagat na Jing, Ang Bato na mapapanood pagkatapos ng All-Out Sundays sa Linggo.

Maggi-guest din si Richard sa The Boobay and Tekla Show at meron na rin daw ikinakasang drama series para sa kanya.

Dapat ipagpasalamat ni Richard na nabigyan siya ng pagkakataong makabalik uli sa pag-arte dahil kinuha siya ng GMA 7.

Nabanggit naman niya noon sa mga nakaraang interviews na pagkatapos niyang matalo sa eleksyon ay iniisip na niyang mag-focus na sa kanyang mga negosyo, dahil hindi na niya inaasahang kukunin pa siya uli. Pero maganda ang pagpasok ng 2021 na sa bagong tahanan na siya, at sana nga may pasisikatin na siya uli na bagong karakter pagkatapos siyang makilalang si Papa Chen.

Nagkasama na sina Richard at AiAi delas Alas sa Binondo Girl ni Kim Chiu sa ABS-CBN 2. Posible kayang magsama sila sa isang programa sa GMA 7?

Hunk actor hindi kayang sawayin ng kasupladahan ng magandang GF

Nasubukan na naming mabait talaga itong si guwapong hunk actor, at lalo na ang pamilya niya.

Pero tahimik na lang sila at wala na silang sinasabi tungkol sa magandang girlfriend ng kanilang anak.

May taglay daw kasing kasupladahan itong si girlfriend kahit napakaganda ng mukha at may angking kaseksihan. Nakikita namang mahal na mahal siya ni hunk actor dahil ipinaglaban siya at tahimik lang pagda­ting sa kanyang lovelife.

Pero hindi lang daw nito kayang kontrolin ang kasupladahan ng girlfriend na hindi man lang daw iniimik ang pamilya niya. Wala siyang pakialam, basta deadma lang daw siya sa magulang at mga kapatid ng guwapong boyfriend niya.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with