^
Paulo, magpapahinga muna
Paulo

Paulo, magpapahinga muna

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2021 - 12:00am

Dahil sa pagka­panalo niya ng best actor para sa role niya sa Fan Girl, nagkaroon ng intimate dinner si Paulo Avelino para i-celebrate ang tagumpay na ‘yon.

Ilan lang sila sa nasabing dinner pero ok na rin daw dahil kahit papaano ay nakapag-celebrate nga.

May ilang taga-ABS-CBN sa intimate dinner na ‘yon, kaya tinanong ko ang isang malapit kay Paulo kung may next project na ba siya after ng Walang Hanggang Paalam series nila ni Angelica Panga­niban? “Wala pa. Gusto munang magpahinga ni Paulo. Aayusin pa rin ang next series niya,” sabi ng kausap ko.

Pero kahit tapos na ang lock-in taping ng Walang Hanggang Paalam noong first week of December, tatagal pa naman daw hanggang March ang nasabing ABS-CBN series.

So, matagal-tagal pa rin naman.

Samantala, masaya raw si Paulo sa tagumpay ng Fan Girl nila ni Charlie Dizon. Isa ‘yon sa mas pinanood sa Metro Manila Film Festival 2020.

Ogie, may ipakikilalang character

Ang COVID-19 swab testing ng mga taga-ASAP Natin ‘To noong isang araw.

Kasama sa mga nakapagpa-swab test na ang mag-asawang Ogie and Regine (Velasquez) Alcasid at sa Sunday ay live na namang mapapanood ang nasabing ABS-CBN Sunday concert show.

Siyempre, may ilang araw rin silang tapings na gagawin para naman sa future shows nila.

Samantala, excited si Ogie dahil magri-release siya ng new novelty song, ‘yung Maga Ako, Manas Ako.

Naaliw nga ako kay Ogie dahil mismong siya ay natatawa tungkol sa novelty song na ‘yon.

May bagong characters din daw kasi siya dahil sa novelty song na ‘yon. “I have new characters, si Eydie Waw and the Wawettes,” sabi ni Ogie.

Naku, siya lahat ‘yung characters na ‘yon, kaya kung tutuusin ay nakakapagod, pero ang mister ni Regine, enjoy sa ginagawa niya.

Anyway, bukod sa ASAP Natin ‘To at sa promotions ng bago niyang novelty song, magiging abala rin si Ogie sa Your Face Sounds Familiar.

Babalik din daw siya sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime, pero may twist daw sa pagba­balik niya at hindi siya hurado, kaya dapat daw abangan ‘yon.

Magiging busy year ang 2021 for Ogie kahit may pandemic pa rin dahil ‘yung KilaboTitos nila ni Ian Veneracion ay isa na ring virtual concert.

Ang bongga. ‘Yun na!

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with