^

PSN Showbiz

LGBT community, hindi tanggap ang mga sinasabi sa kaso ni Dacera

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
LGBT community, hindi tanggap ang mga sinasabi sa kaso ni Dacera
Ricky Rivero

Nag-react ang mga kasama sa LGBT community sa showbiz sa naging mga statement sa kamatayan at sinasabing rape ng flight attendant na si Christine Dacera, lalo na nga sa statement na “iyong bakla basta nalasing nagiging lalaki rin.”

Mabilis na sumagot nang pabiro si Ricky Rivero na nagsabing “ang mga bakla basta nalasing nagiging Viva Hot Babes o Sexbomb.”

Mas seryoso ang naging statement ng singer at actor na si Markki Stroem na nagsabing “some of them are my friends and they don’t deserve this kind of shaming.” Pinagsabihan din niya ang isang social media personality na mahilig makisawsaw na mali ang kanyang mga bintang at dapat na alisin na ang pangalan ng mga suspect na patuloy niyang ikinakalat sa pamamagitan ng kanyang posts.

Talaga naman kasing mahilig makisawsaw, kahit na madalas ay wala sa ayos ang persona­lity na iyon.

Pinatibay ang stand ng LGBT community dahil sa lumabas na medico legal report na nakitaan ang genitals ni Christine ng “laceration in the 3 o’clock, 6 o’clock, and 9 o’clock positions but they have been healed.”

Maliwanag doon na hindi nagkaroon ng rape noong gabing iyon kagaya ng ipinipilit ng ilan sa pulisya.

Pinakawalan pati na ang tatlong hinuli ng Makati Police dahil daw sa kakulangan ng ebidensiya na hindi nila mailabas kabilang ang isa pang dating showbiz personality na si Rommel Galido, na sumali noon sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga at nakasama pa sa pelikula nina Kim Chiu at Xian Lim.

Glaiza, pinalitan si Janine

Hindi totoong pinaghahandaan na ni Glaiza de Castro at ng kanyang boyfriend na si David Rainey ang kanilang kasal matapos ang kanilang engagement last December. Dahil nga raw sa pandemya, nagkasundo sila na sa susunod na taon na nila pag-usapan ang tungkol sa kanilang kasal, kung wala na ngang pandemya.

Pauwi na ng Pilipinas si Glaiza dahil may gagawin daw siyang isang tele­serye na kasama si Rayver Cruz.

Malakas naman ang following ni Glaiza, lalo na pagkatapos ng mahabang replay ng Encantadia.

May mga nagtatanong nga lang, iyan ba ang sinasabi nilang serye na ipagagawa sana kay Janine Gutierrez kung hindi lang iyon nagdesisyong umalis sa GMA at lumipat sa ABS-CBN?

Aktor-aktoran na ginamit ang magulang para makapanloko, nanghingi ng tawad

Nanahimik na at mukhang na-guilty rin ang isang dating male star na nangu­ngutang sa kanyang mga kakilala, na ang dahilan ay na-stroke ang tatay niya at nasa ospital ganoong hindi naman pala totoo. Nag-sorry naman siya sa ilang nakabuko sa kanya at sinabing ginawa lang niya iyon dahil talagang kailangan niya ng pera para masuportahan ang kanyang pamilya.

Wala na rin kasi ang mga naloloko niyang mga bading noong araw dahil matanda na siya. Iniwan na rin siya ng bading na naging ka-live in niya dahil hindi rin daw sila magkasundo.

Pero napakasamang gimmick talaga na pati magulang niya sinasabi pa niyang agaw-buhay sa ospital para lang makapangutang. May karma talaga iyan.

vuukle comment

LGBT

RICKY RIVERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with