^
Movie industry nagluluksa sa pagpanaw ni Chairman Lim
MMDA na si Chairman Danny Lim
STAR/ File

Movie industry nagluluksa sa pagpanaw ni Chairman Lim

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2021 - 12:00am

Ngayong araw, January 7, na magtatapos ang 46th Metro Manila Film Festival at sa kasawiang palad, nauna pang mamaalam ang chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na si Chairman Danny Lim.

Iyan ang gumulantang na balita kahapon ng umaga na ikinalungkot rin ng movie industry.

Ilang taon na ring bahagi ng MMFF si Chairman Lim at napakabait niya, malumanay na nakikipag-usap sa movie press.

Ngayong MMFF, very visible pa si Chairman Lim sa ilang events ng filmfest. Magkasabay pa sila ni QC Mayor Joy Belmonte na nagbukas ng virtual parade noong December 23.

Pero noong Gabi ng Parangal noong December 27 ay hindi na siya kasali roon. Ang General Manager ng MMDA na si Mr. Jojo Garcia ang isa sa nagbigay ng mensahe pagkatapos ni Sen. Bong Go.

Kinabukasan noon saka ipinost ni Chairman Lim na nag-positive siya sa COVID-19. Naibahagi pa sa akin ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer na siyang spokesperson ng MMFF ang palitan nila ng text ni Chairman Lim.

Nagbatian sila ng Happy New Year at sinabi niyang feeling much better na raw siya pagkatapos daw ng anim na araw na on and off na fever.

Ang buong akala naman ng lahat ay malalagpasan ito ni Chairman Lim, kaya shocking na rin sa amin at sa buong movie industry ang biglaan niyang pagpanaw.

Ang Malacañang nga ang naglabas ng announcement tungkol sa pagpanaw ng MMDA Chairman Danilo Lim. Mula sa Presidential Spokesperson Harry Roque; “ The Palace expresses its deep condolences to the family, loved ones and colleagues of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim who died before 8 a.m. this morning at the age of 65.

“MMDA Chairman Lim served the Duterte Administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed.

“May the perpetual light shine upon him, and may his soul, through the mercy of the Almighty, rest in eternal peace.”

Nakikiramay po kami.

Mga kaibigan winelcome si Baby Jude

Tama nga ang sinasabi nila noon pa. Kapag tahimik ang isang aktres na natsismis na buntis, ibig sabihin totoo.

Bandang September noong nakaraang taon nang pumutok na buntis nga si Janella Salvador, at wala silang inilabas na statement kaugnay dito.

Nang sumunod na buwan ay lumabas na rin ang balitang nanganak na ito ng isang malusog na baby boy, pero wala pa rin silang inilabas na pahayag.

Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na palang may alam sa tunay na kalagayan ni Janella at nakita lang ito sa YouTube channel nina Janella at Markus Paterson. Sa YT channel din nila inilabas ang  mga mensahe ng pamilya ni Janella at mga close friends nila ni Markus.

Nagsalita sila Erich Gonzales na close kay Janella, at bale tiyahin ng young actress na si Maja Salvador, si Pat Sugui at Kyle Echarri na close naman kay Markus. Nagbigay sila ng mensahe para sa baby boy nina Markus at Janella na si Baby Jude.

Sen. Bong, suportado rin ang pagbuhay sa franchise ng ABS-CBN

Nilinaw ni Sen. Bong Revilla na sa News department ng ABS-CBN 2 siya nagkaroon ng sama ng loob, at hindi sa Entertainment.

Sabi ni Sen. Bong nang makatsikahan namin sa New Year treat niya sa ilang movie press, kahit may sama raw siya ng loob sa taga-News ng ABS-CBN 2, nandiyan pa rin daw ang suporta niya sa isinusulong ni Sen. Tito Sotto na renewal uli ng franchise ng Kapa-milya network. “From the very beginning naman, kahit na may sama ako ng loob sa kanila, supportive ako sa ABS-CBN franchise,” saad ni Sen. Bong Revilla. “At hanggang ngayon, iyon pa rin ang stand ko — I will support the renewal of the franchise of ABS-CBN. lang buwan na ring walang trabaho iyong mga kababayan natin na nagtatrabaho sa showbiz.

“Saka kung meron man silang nasagasaan noon, siguro... nag-suffer na rin sila, ‘di ba? Ang importante ngayon, matulungan natin iyan,  maibalik natin, mabigyan ng trabaho ang mga nawalan ng trabaho,” dagdag niyang pahayag.

Kaibigan daw niya ang mga taga-Entertainment ng ABS at sa katunayan may inaalok pa raw sa kanya ang Star Cinema na pelikulang gagawin niya. “Iyong mga taga-Entertainment, mga kaibigan ko lahat iyon.

“Sina Ma’am Charo (Santos), sina Malou Santos, Olive Lamasan. Wala pa sila sa ABS-CBN, mga kasamahan ko na sila. They’re very close to me.

“May mga project pa na gagawin ako sa Star Cinema. Remember, ako iyong first actor nila. Ang first movie na ginawa ng Star Ci­nema, Adan Ronquillo, kami ni Sheryl Cruz,” saad ng bida ng Agimat ng Agila sa GMA 7.

Nagpasalamat siya na nandiyan pa rin ang tiwala sa kanya ng taga-Star Cinema kaya inaalok siyang mag-movie.

Pero paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa GMA 7 dahil noong paglabas niya ng Camp Crame at patuloy pa ring binabatikos ng bashers at trolls, inalok na siya agad ng GMA 7 na bumalik at magtrabaho sa kanila.

Ito na nga ang tinape niyang Agimat ng Agila na proud na proud si Sen. Bong dahil talagang pinaganda raw ito ni direk Rico Gutierrez.

Hindi pa alam ni Sen. Bong kung kailan ipalalabas ang Agimat ng Agila na weekly na mapapanood sa GMA 7.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with