^
Sen. Bong at Mayor Lani lutang ang kaligayahan
Sen. Bong at Mayor Lani
STAR/ File

Sen. Bong at Mayor Lani lutang ang kaligayahan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2021 - 12:00am

Ang cute tingnan ng showbiz reporters na parang mga bata sa palaro ni Sen. Bong Revilla. Tuwang-tuwa ang lahat dahil nga siguro na-miss natin ang ganu’ng get together dahil sa pandemic. Parang for a while, nalimutan natin na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ‘yung threat ng COVID-19.

‘Katuwa talaga na ako pa ang kamuntik na maging kontrabida dahil gusto ko sana ‘yung regular na raffle lang, hindi ‘yung parang pera o kahon na palaro sa roleta. Mas masaya pala iyon at kalokah sa excitement.

At kitang-kita mo ang katuwaan kay Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado sa mga oras na iyon na tayong lahat ay parang mga bata na naglalaro.

Violent reaction pa naman ako sa balak na iyon, pero talagang ipinilit ni Sen. Bong at si Mayor Lani na parang na-miss ang GMA Supershow noong nagho-host siya.

Hay naku, buena manong katuwaan for 2021, sana ito na ang umpisa ng tuluy-tuloy nating ligaya.

Bambbi, maraming pinagkakaabalahan

It was a long Tuesday for me. After ng Take It… Per Minute Me Ganun noong isang araw, run ako sa Annabels para sa New Year lunch presscon ni Bong Revilla, at tapos, nag-guest ako kay Bambbi Fuentes sa kanyang Facebook live show every Friday ng 7 p.m. Kung anu-ano ang topic na na-discuss, at bongga si Bambbi na ang ganda ng outfit na gawa ni Ronnie ng kanilang boutique.

Nakakatuwa na para bang buong araw ni Bambbi Fuentes ay punung-puno ang sked, make-up, luto ng mga pasta sauce at kimchi, and now, hosting a talk show sa YT.

Sabi ko nga lahat ng energy niya parang all over, na dapat meron siyang isa na talagang tutok siya, dahil iyon ang pinaka-premium niya. Kasi nga ang daming talents ni Bambbi, a good make-up artist, a good cook and a very articulate person. But of all these, gusto ko pa rin na nasa top of the line siya as one of the best make-up artist, kasi ito ang para sa akin Bambbi’s most precious gem. The talent to make people beautiful, that magic touch that only Bambbi Fuentes can do.

But don’t fail to watch Bambbi YT show every Friday at 7 p.m., maganda siya, maraming eye opener subjects.

BONG LANI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with