^
Ruffa, gusto uling magsuot ng pangkasal
Ruffa
STAR/ File

Ruffa, gusto uling magsuot ng pangkasal

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2021 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, nakakaaliw talaga ang mga hirit ni Ruffa Gutierrez, huh! Noong magkasama kami ng sikat na fashion designer na si Michael Cinco sa haute couture place nito sa Design District ng Dubai, United Arab Emirates, nag-message ako kay Ruffa para sabihing isa siya sa favorite na bihisan ni Michael. “Say hello to him,” sagot ni Ruffa na noong magkasama nga kami sa Dubai some years back para sa launch ng international cable channel ng TV5 ay dumalaw pa kami sa office ni Michael.

Biglang humirit si Ruffa ng, “I’m wearing Michael Cinco (gown) when I get married. LOL!”  Hahaha!  Pero, who knows, baka nga after ng failed marriage niya with Yilmaz Bektas na tatay ng mga anak niyang sina Lorin and Venice ay puwede pa ring magpakasal si Ruffa in the future.

Kailangan nga lang niyang mahanap ang perfect groom. O, nahanap na niya, pero quiet lang siya?

Well… hehehe!

Maymay, walang kayabangan

Naaliw naman ako kay Maymay Entrata nang magkatsikahan kami sa Mint Leaf of London restaurant dito pa rin sa Dubai. Naimbitahan kasi ako ng kilalang Pinoy businessman na si John Yugen for a late lunch. Si Josh ang publisher ng Xpedition magazine at ng Xaga Awards/Event dito at siya rin ang nagdala kay Pia Wurtzbach sa Dubai kamakailan.

Eh, ilang oras nag-Zoom tsikahan si Maymay with her fans na nagpa-online block screening para sa Princess DayaReese nila ni Edward Barber.

After, sobrang excited si Maymay dahil magbi-beach daw sila ng isang kaibigan. Kilig na kilig si Maymay sa pagkukuwento na gusto niyang mag-pictorial sa beach kesehodang malamig nga ngayon dito sa Dubai. Dala-dala na nga raw niya ang kanyang swimsuit.

Alam mo nga pala, Ateng Salve, that time ko lang nakatsikahan nang malapitan si Maymay at sweet siyang kausap. Magalang din si Maymay at panay ang “po,” kaya type na type ko siya.

In fairness din, hindi ako nakaramdam na may yabang sa katawan ang nasabing Kapamilya star na enjoy habang naririto sa Dubai.

May mga fan nga na nagtatanong kung hanggang kailan daw rito ang ka-love team ni Edward. Sabi ni Josh, baka hanggang January 20 o 21 ang dalaga. Bale may pictorial din kasi si Maymay na mag-start sa Sunday at one week daw tatagal.

Sa ngayon, palaging inililibot ni Josh around Dubai si Maymay. The first time raw kasi na nagpunta ng Dubai si Maymay ay hindi siya masyadong nakapamasyal, pero this time, pasyal talaga ang ginagawa niya, plus the pictorial nga around UAE.

Sarap lang talaga na work and pleasure kapag nagpunta ka rito sa Dubai na sobrang ganda talaga, kaya naman puntahan ng mga tourist, huh! ‘Yun na!

MAYMAY RUFFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with