^
John Lloyd, hindi rin nakasuwerte sa Fan...

John Lloyd, hindi rin nakasuwerte sa Fan...

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2021 - 12:00am

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin itong Fan Girl na ang dami na tuloy nagkainteres.

Napabalitang unang ina­lok ang project na ito kay James Reid na hindi naman natuloy, kaya napunta kay Paulo Avelino.

Ang nakarating namang kuwento sa amin, noong nabuo ang naturang project, inalok daw ito kay John Lloyd Cruz na tinanggap naman ng aktor.

Ito raw ‘yung panahong sila pa ni Ellen Adarna at tumigil na ito sa pag-aartista.

Gusto na raw sana itong gawin ni John Lloyd, pero kumalat naman ang mga video nila ni Ellen na hindi na maganda, gaya ng nasa gasul siya, kaya hindi na ito itinuloy sa kanya.

Inayos daw ang script, at may ilang revisions, napunta kay James na hindi rin natuloy at ang third option kay Paulo na.

Bago rin daw ito napunta kay Charlie Dizon, may ibang napili palang gaganap na fan girl na isang Kapuso artist. Hindi namin kilala ang naturang young actress na si Yvette daw. Huli na lang namin nalamang Yvette Sanchez pala ang buong pangalan, pero hindi pa rin namin kilala. Hindi lang namin alam ang buong pangyayari, pero hindi nagkasundo sa GMA Artists Center na nag-handle sa kanya, kaya naghanap uli ng ibang aktres na gaganap, at napunta na ito kay Charlie.

Ito na nga ‘yung kasabihang kung hindi uukol, ‘di bubukol.

Bagay na bagay sina Paulo at Charlie sa pelikulang ito at maganda naman ang kinalabasan.

Kung sabagay, bagay na bagay din si John Lloyd sa naturang project. Pero hindi lang natin alam kung ano ang magiging itsura ng pelikula kung siya na ang bida rito.

Samantala, may mga nahuli nang namimirata ng mga pelikulang kalahok sa MMFF. Ang iba ay nasa ilang malls nahuli na nagbebenta ng mga pirated copies ng MMFF movies, at isa na nga rito ang Fan Girl. Kahapon ng hapon ay muling nagsampa ang ilang producers ng kaso laban sa mga namirata ng kanilang pelikula.

Glaiza, sasabak sa maraming swab

Pinaghahandaan na ni Glaiza de Castro na mapapasabak siya sa sunud-sunod na swab test at 14 days na quarantine pagbalik niya ng bansa galing sa ilang linggong bakasyon sa Ireland. Kahit may travel ban, na-check naman daw niyang papapasukin ang mga returning Filipinos, pero dapat daw talagang masunod ang 14 days na quarantine.

“Sa January 17 pa naman ang alis ko dito, bale diyan ako 18. Pero bago ako sumakay ng Etihad dapat na ma-swab test muna ako. Tapos pagdating ko ng Pilipinas mag-swab uli ako at kailangan talaga ‘yung 14-day quarantine,” pakli ni Glaiza nang nakausap ko siya through Viber noong nakaraang Lunes ng gabi.

Ibinahagi niya sa aking may kahigpitan na rin daw sa Ireland dahil sa bagong variant ng COVID-19 na kumalat doon.

Kung dito sa atin ay ECQ hanggang MGCQ, ang tawag naman daw doon sa Ireland pati sa United Kingdom ay Tier 1 hanggang Tier 4.

Tier 4 na raw doon sa kanila na parang MECQ raw ang katumbas dito sa atin. Allowed lang daw silang tumakbo o mag-exercise sa labas ng ilang kilometro lang ang layo sa tinitirhan nila. Puwede raw silang mamili sa labas pero essentials lang. Kaya medyo nahirapan din daw sila roon. Pero naisingit naman doon ni Glaiza ang mag-shoot ng music video niya roon. Kaya may pinagkakaabalahan naman daw sila ng fiancé niyang si David Rainey.

Pagkatapos ng napabalitang engagement nila ni David, ang dami na nga raw nagtanong sa kanila kung kailan na ang kasalan. “Definitely, not this year. Kasi ang hirap din ng preparation sa ganitong situation ‘di ba?” sagot sa akin ni Glaiza.

Kaya happy naman daw siya na nagkaroon sila ng sapat na panahong mag-bonding ni David.

Pagbalik dito ng Kapuso actress ay ia-adjust daw ang schedule niya sa taping ng bagong series niyang Nagbabagang Luha.

JOHN LLOYD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with