^

PSN Showbiz

Jodi, shocked nang ipakilala ni Thirdy ang girlfriend

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi, shocked nang ipakilala ni Thirdy ang girlfriend
Thirdy at Jodi

Labinlimang taong gulang na ngayon ang anak nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na si Thirdy. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon na ng kasintahan ang binatilyo. Ayon kay Jodi ay talagang ikinagulat niya nang ipakilala sa kanya ni Thirdy ang nobya nito. “Alam ko naman na darating ‘yung time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy. It came as a surprise lang to me dahil parang hindi ko ini-expect na ito na, agad-agad, now na! Mas na-surprise, ‘yon ang aking initial reaction,” nakangiting kuwento ni Jodi.

May ilang mga nagtatanong ngayon sa aktres kung nakararamdam ba ng selos dahil nagkaroon na ng ibang minamahal si Thirdy. “Hindi, hindi naman ako nakaka-feel ng selos,” giit niya.

Malaki ang pasasalamat ni Thirdy kay Jodi dahil sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ng ina sa kanya kahit na abala sa mga trabahong ginagawa nito. “Si Mommy deserve niya ‘yung buong mundo. Kasi lahat ng sacrifices ni Mommy para sa akin, hindi ko magagawa ‘yon para sa kanya eh. Si Mommy, nagwo-work palagi. Ngayon ngang may COVID, kesa mag-rest siya, nagwo-work hard siya para sa amin. Para may mailagay (na pagkain) sa table namin. ‘Yung mga mommy talaga, para silang superheroes,” makahulugang pahayag ni Thirdy.

“It’s very affirming what you said, anak, and validating. ‘Yung alam mo na may nagagawa kang tama para sa anak mo, para sa pamilya mo,” emosyonal namang sagot ng aktres sa anak.

Vice, wish na makatulog nang mahimbing si vhong

Noong January 4 ay ipinagdiwang ni Vhong Navarro sa It’s Showtime ang kanyang ika-apatnapu’t apat na kaarawan. Hindi raw inakala ng aktor na maaalala pa rin ng mga tao ang kanyang espesyal na araw dahil na rin sa kabi-kabilang suliranin na ating kinakarap sa ngayon. “Sabi ko may makakaalala pa kaya sa akin ngayong magbi-birthday ako. Tapos natuwa ako dahil ang daming nakaalala, ang daming bumati, ang da­ming nagpasaya. Kumbaga ‘yung problema natin no’ng 2020, itong 2021 parang unti-unti kong nakakalimutan ang mga pinagdadaan ko na sana nga’y magtuluy-tuloy dahil ‘yon ang nagpapatibay sa akin dahil kasama ko ang mga nagmamahal sa akin, ‘yung pamilya ko, ‘yung mga kaibigan ko at ‘yung mga naniniwala at sumusuporta sa akin. Ang birthday wish ko sana ay matapos na itong pandemic na ito. At sana rin po ay pagtibayin pa tayo na magsama-sama, magtulungan at huwag tayong bibitaw. Kasi mas malakas tayo kapag mas marami tayong nagtutulungan at nagtitiwala sa Kanya. I love you guys, thank you,” pagbabahagi ni Vhong.

Para naman sa kaibigan at co-host sa natu­rang noontime show na si Vice Ganda ay ang pagtulog nang mahimbing sa gabi ang kanyang tanging hiling para kay Vhong. “Sana ay makatulog ka nang mahimbing tuwing gabi. Kasi sa dami nang nangyayari sa paligid sa ating lahat parang it’s very hard for people to sleep. ‘Yung magaan na tulog sa dami nang iniisip natin, sa dami ng takot, sa dami ng problema, sa dami ng iniisip, sa mga walang kasiguruhan na bagay, hindi tayo makatulog. Maraming mga taong hindi makatulog. Sana makatulog ka nang mahimbing tuwing gabi, magkaroon ka ng peace of mind at ‘yung magandang-magandang ngiti mo tuwing umaga ay manumbalik sa mukha mo,” mensahe ni Vice para kay Vhong. (Reports from JCC)

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with