^
Yassi, magkakaroon ng sariling show sa TV5!
Yassi at Richard

Yassi, magkakaroon ng sariling show sa TV5!

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2021 - 12:00am

Bale sa Friday pala pupunta sa lock-in taping nila for FPJ’s Ang Probinsyano sa Batangas si Richard Gutierrez.

Nang magkatsikahan kami ni Annabelle Rama kahapon, ikinuwentong January 8 ang COVID-19 swab test ni Richard at maghihintay ng result bago ang start ng taping.

Sinamantala na nga pala ni Richard ang pagba-bonding nila ng misis na si Sarah Lahbati at mga anak na sina Zion at Kai (kasama rin ang nephew niyang si David na anak ng kuya niyang si Rocky Gutierrez) dahil two nights silang nag-stay sa private home sa Anilao, Batangas ng isang close friend nila. Enjoy sina Zion at Kai dahil panay ang swimming nila na favorite gawin ng kanilang pamilya.

Hanggang January 30 ang ­taping sa Batangas, kaya malamang na next day ay makauwi na sila after lumabas ng kanilang exit swab test result.

Masaya rin daw kasi nitong Christmas break nga ay matagal-tagal din silang nagkasama pati ang kanyang parents na sina Eddie Gutierrez at Tita Annabelle, plus mga kapatid na sina Ruffa, Rocky, Elvis, Raymond at Ritchie Paul, plus the mom of Sarah, si Esther Lahbati.

Anyway, mukhang sanay na naman sina Zion at Kai na nagla-lock-in taping ang kanilang tatay. Bale fourth lock-in taping na ito ni Richard for FPJ’s Ang Probinsyano.

Maninibago nga lang si Richard sa lock-in dahil wala na si Yassi Pressman sa cast. Close si Richard kay Yassi dahil isa ang aktres sa sobrang close kay Sarah.

Speaking of Yassi, kasama rin pala ito ni Raymond Gutierrez sa El Nido, Palawan.

Naka-Christmas break din pala sa lugar na ‘yon si Yassi. Nang maka-chat ko si Raymond, ikinuwentong sobrang sayang kasama ni Yassi. “We have so much fun here.”

Hindi raw nakapagtsikahan sina Raymond at Yassi tungkol sa work, pero nabanggit daw sa kanya ng aktres na, “She said she enjoyed working with Chard sa FPJ’s Ang Probinsyano.”

Marami raw plano para kay Yassi ang home studio niya, ang Viva Films, ngayong wala na siya sa nasabing ABS-CBN series. Kasama na kaya sa mga planong ‘yon ang sariling show for Yassi sa TV5?

Well… ‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with