^

Tisoy na singer, may nakaraan sa bakla

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2021 - 12:00am

Matagal nang pinagdududahan ang gender ng isang kilalang male singer. May mga nagsasabing ganu’n lang talaga siyang kumilos, pinung-pino, dahil mula siya sa yayamaning pamilya at hilig lang niya talaga ang pagkanta.

Pero maraming nagbibigay ng impormasyon na berde ang dugo ng male singer, matagal na siyang nagpapalutang ng kanyang tunay na kulay, napipigil lang ng male singer ang kanyang emosyon.

Marami siyang pinasikat na piyesa, pero may isa siyang kanta na ginawa pang titulo ng isang pelikula, pinagbidahan ‘yun ng isang premyadong artista.

Unang kuwento ng aming source, “Pero matagal nang nali-link ang male singer na ‘yun sa isang kilalang coach. Madalas kasi siyang nakikitang nakabantay sa practice ng hawak na team nu’ng coach.

“Minsan na ring na-link ang name niya sa isang TV host na beki, magkalapit lang kasi ang bahay nila, kaya hindi na bago ang kaberdehan ng dugils ni male singer!” madiing kuwento ng aming impormante.

Pero kumpirmadong “nakatikiman” ng isang lantarang beki ang male singer na ito. Ang unang pagtitikiman nila ay napangalawahan pa, hanggang sa tumatlo, hanggang sa nagkasawaan na sila.

Kuwento uli ng aming source, “Wala siyang maitatago dahil very open ang nakatikiman niyang dating young actor na nag-out na nang todo-todo.

“Nagkasama sila sa isang series of shows sa ibang bansa. Nagkakaamuyan na sila sa eroplano pa lang, pero pigil na pigil sila. Tinginan na sila nang tinginan na makahulugan siyempre, pero naghintay sila nang tamang pagkakataon.

“Pagdating nila sa super-lamig na bansa, e, kumain muna sila. Gutom at pagod ang lahat, pero ang feeling ng dalawa, e, mas gusto na nilang tumikim ng ibang putahe.

“Heto na. Dumating na ang takdang pagkakataon. Magkahiwalay sila ng hotel room, pero nagkausap na sila habang kumakain. Presto! Ang male singer ang lumipat sa hotel room ng berdaderong beki!

“Hindi raw kasi siya makatulog, namamahay kuno siya, kaya wine-wine-wine muna silang dalawa. Hanggang sa para nang mga higad na gumagapang-gapang ang kanilang mga kamay!

“Naganap ang isa sa pinakamainit na labanan nu’ng mismong gabing ‘yun! Naulit pa kinabukasan! At naulit pa bago sila bumalik sa Pilipinas!

“At napakagaling nilang magdala, ha? Halos hindi sila nagpapansinan sa biyahe, parang wala lang, parang walang naga­nap na tatlong beses na pagtutuos sa kanilang kakyondian!

“Guwapo ang male singer, tisoy na tisoy, kinalolokohan siya ng mga kolehiyala nu’n! Ang lantaran namang beki, e, very visible ngayon! Prodoo na siya ng mga bumibidang macho dan­cers!” tawa nang tawang pagtatapos ng ma­kyondi rin naming source.

Ubos!

Kasalang Neil at Angel, wala nang urungan

Maraming ibinatong hiling sa langit si Angel Locsin para sa bagong pasok na taon. Para sa mayorya ang kanyang mensahe, may patama rin sa mga tagapamuno ng ating bayan para mabawasan ang korapsiyon, pero may isang bahagi ang kanyang mensahe na naging malaking tandang-pananong para sa mga nakabasa.

Bukod sa kanyang pangarap na sana’y pumayat na siya ay mas malakas ang tunog ng kanyang hiling na sana’y huwag umulan sa kanilang kasal ni Neil Arce.

Lumundag agad sa konklusyon ang mga kababayan natin na sa isang maulang panahon magaganap ang pagharap nila sa dambana ng negos­yante. Hindi na sila aabutin pa nang tag-araw, sa maulang panahon magaganap ang kasalan, pag-asa ng marami ay malapit na malapit na ‘yun.

Panahon na para lumigaya ang personal na buhay ni Angel, wala na siyang kailangan pang patunayan bilang artista, bilang isang personalidad na mulat sa galaw ng ating bayan ay markado na si Angel sa magagandang ehem­plong ginawa niya nang mula sa puso.

Takdang panahon na rin para mahalin niya naman ang kanyang sarili. Palaging puro para sa ibang tao ang ginagawa niya. Walang masama du’n, dikta ‘yun ng kanyang puso, pero kapag inuna niyang mahalin ang kanyang sarili ngayon ay mas marami pa siyang maibibigay sa kanyang kapwa.

Harinawang sa altar na nga ang tuloy ng kanilang relasyon ni Neil Arce. Sukat na ang kanilang pagmamahalan, wala nang makakukuwestiyon pa, kaya iregalo na natin sa kanila ang kaligayahang silang dalawa lang ang makapagbibigay para sa isa’t isa.

GAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with