^
Donny at Dimples, balik na sa Kapamilya
Donny

Donny at Dimples, balik na sa Kapamilya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2021 - 12:00am

Si Ricci Rivero na ang ipinalit kay Donny Pangilinan sa Sunday Noontime Live.

Walong linggo lang pala ipinahiram ng ABS-CBN 2 si Donny at ngayon ay may gagawin na raw na series ang binata kaya back to Kapamilya na siya. Ang dinig namin ipa-partner siya kay Belle Mariano na isa sa cast ng Four Sisters Before the Wedding ng iWant TFC.

Samantala, tapos na rin ang book one ng Oh My Dad ng TV5 na produced ng Brightlight Productions kaya back to Kapamilya na rin si Dimples Romana. Iyon naman daw ang unang napagkasunduan kaya pinayagan ang aktres na magtrabaho sa TV5.

Hindi pa nakakapagdesisyunan ang Brightlight kung papalitan si Dimples o may gagawin silang ibang option sa kuwento.

 Ang dinig namin, isasama si Dimples sa sitcom nina Joross Gamboa at ­Roxanne Guinoo sa iWantTFC.

DDS walang nagawa sa kanilang supporter

Walang ngang nagawa ang mga maka-Duterte para i-save si Russu Laurente ng General Santos City sa eviction ng PBB Connect. Si Russu ang pangalawang evictee sa Bahay ni Kuya, at nagpaalam na ito noong Linggo ng gabi.

Maingay sa social media ang eviction ni Russu dahil sa nahaluan ng pulitika kung saan naging isyu sa mga supporter ng ABS-CBN 2 ang pag-tweet niya ng #YestoABSCBNShutdown.

Nagpaliwanag na si Russu kaugnay diyan. Humingi ng sorry at pinatawad naman siya ni Kuya.

Pero pati ang host na si Robi Domingo ay nagbigay din ng statement kaugnay dito. Kaya magaan na tinanggap ni Russu ang pagpaalam niya. Sinabi niyang alam niyang siya ang lalabas noong gabing iyon. Nagsalita na rin ang kapatid ni Russu na sinabi niya kay Robi na sana patawarin na raw nila ang kanyang kapatid.

Pero nagpaliwanag si Robi na hindi kaaway si Russu kundi biktima lang daw ng kakaibang sistema. Isang mahigpit na yakap ang salubong nina Toni Gonzaga at Robi kay Russu.

Pinuri rin naman si Toni sa kanyang tweet pagkatapos ng eviction noong nakaraang Linggo ng gabi. Bahagi ng mahaba niyang post kaugnay sa isyu sa PBB housemate na ; “People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken. He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life.”

Sabi pa ni Toni sa kanyang tweet; “May this also serve as a reminder for us to not define and label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they really supposed to be.”

Nanay ng baguhang artistang kasali sa MMFF, may attitude na agad

Totoo kaya ang narinig naming medyo yumabang na raw ang ina ng isang artista na kasali sa isang Metro Manila Film Festival entry?

Maganda kasi ang feedback ng pelikula at pinuri naman ang artistang ito, kaya proud siyempre ang madir! Pero sinasabi raw ng nanay na ang anak lang daw niya ang nagdala ng pelikula.

May ganung attitude na agad? May bagong project ngayon ang anak niya. Kaya sinasabihan na raw na baka marami ng demands ang nanay nitong artista. Pero so far, wala pa naman ka­ming naririnig at magsisimula na ang promo nito. Sana magiging cooperative ang artistang ito dahil malaking bagay naman talaga ang pelikulang iyon para makilala siya at makakatulong ito sa susunod niyang project.

DONNY PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with