^
Marian at Dingdong, gigil pa rin sa isaât isa
Marian at Dingdong
STAR/ File

Marian at Dingdong, gigil pa rin sa isa’t isa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2021 - 12:00am

Six years na pala mula nang ikasal sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Parang kailan lang iyon, na buong showbiz na-excite sa wedding of the year ng dalawa.

Tingnan mo nga na after six years na may dalawang anak na, pero heto, mukhang gigil na gigil pa rin silang dalawa sa isa’t isa.

Kasi nga, aside from talagang naging maingat sila sa kanilang katawan, maganda ang bonding time na iniuukol nila sa pamilya. Noong pareho silang busy, nag-usap na ang mag-asawa na ang bawat isa sa kanila ay dapat may time para sa kanilang mga anak. Salitan sila sa trabaho? ‘Pag meron si Dingdong, bakante si Marian, ‘pag si misis naman ang nasa work, si mister naman ang nasa bahay. Kaya hayan, habang tumatagal, lalo silang tumitibay.

Kaya naman matibay ang bigkis.

Pauleen, hindi inasahan ang pagiging domesticated

Kung nakasama mo noon si Pauleen Luna, hindi mo iisipin na magiging domesticated woman ito. Kasi nga parang spoiled siya sa mommy niya, at lahat ng bagay ay nakahanda na para sa kanya. Hindi papasok sa utak mo na heto, puwede siyang mag-alaga ng anak at mag-asikaso ng buhay may asawa.

Tuwang-tuwa ako na para bang at home na at home siya sa pagiging Mrs. Vic Sotto, at mommy ni Talitha. Iyon bang asikaso niya ang lahat, sa bahay, sa school ng anak, at maligaya siyang ginagawa ang kanyang trabaho as Mrs. Sotto. Parang kuntento siya sa buhay, sa lahat ng pangyayari at maliga­yang-maligaya siya bilang Mrs. Vic Sotto.

Happiness is really your choice, at madali kang mag-adjust sa bagay na magiging daan for your happiness.

Brightlight, tuluy-tuloy ang pag-arangkada

Magkakaroon ng laun­ching ang Brightlight Productions para sa isang bagong show na ang bagong stars ni Direk Olive Lamasan ang magiging mga bida. Mga bagong artista na siyempre ay tinitiyak ni Direk Olive na magiging sing-husay ng mga discovery ng Star Magic.

Bongga rin ang Brightlight ni Papa Albee Benitez dahil nga all out sa pagtulong sa mga bagong artista, at tuluy-tuloy ang production para sa TV at pelikula. Hinihintay na ng marami ang gagawing project ni John Lloyd Cruz, pati na rin ang paglabas ng Alpha Kid ni Javi Benitez.

Mukha ngang happy naman ang Brightlight Productions sa naging resulta ng kanilang mga programa sa TV5 kaya tuluy-tuloy ang pag-iisip ng bagong projects.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with