^

Female personality na dating kalabit-penge, nagka-attitude nang magkadatung

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2021 - 12:00am

Mga dating sinasamahan ng isang kilalang female personality ang nagkukuwentuhan. May kani-kanya silang anekdota tungkol sa nakaraang buhay ng babaeng personalidad.

Magkakaiba ang kanilang mga istorya, pero isa lang ang bansag o tawag nila sa kilalang female personality, kalabit-penge.

Kuwento ng aming source, “Dati talaga, e, para siyang langgam, kung nasaan ang asukal, e, nandu’n siya. Matalas ang pang-amoy niya! Kapag sumasama-sama siya sa isang artista o kaya, e, negosyante, asahan mo nang gumaganansiya siya du’n!

“Siya nga ang barometer kapag madatung ang tao. Nandu’n siya, du’n siya nagbababad, dahil meron siyang napapala! Kapag hindi siya sumasama, ibig sabihin nu’n, e, hindi mayaman ang tao!” umpisang kuwento ng aming source.

At nakakaalala siya kapag may matindi siyang pangangailangan. Walang-wala kasi siya nu’n. Paano na nga naman ang mga anak niya at mga kamag-anak? Magugutom na lang?

Patuloy ng aming source, “Marami siyang inabalang tao nu’n. Kapag napuputulan sila ng kur­yente, kapag walang pangmatrikula ang mga anak niya, kapag wala siyang pamalengke.

“Nagbababad siya nu’n sa mga taong alam niyang mahihingan niya. Wala lang, basta nandu’n lang siya. Kaya nga siya tinatawag na kalabit-penge ng mga dati niyang nakakasama, e!” panibagong rebelasyon ng aming impormante.

Pero ang lahat ay alaala na lang ngayon. Hindi nila sukat akalaing tatamaan pala ng amnesia ang female personality nang magkaroon na.

“’Yun lang naman ang pagsisintir ng mga taong inabala niya nu’ng walang-wala pa siya. Sa isang iglap pala, e, mawawalan na ng saysay ang mga nagawa nila!

“Aba, nang magkaroon na ang hitad, e, ni hindi man lang nangungumusta sa mga dating nakakasama niya! Wala na yata siyang panahon, very busy na kasi siya.

“Damay lang naman siya sa popularity ng isang kapamilya niya, pero f­eeling ng mga dati niyang kaibigan, e, parang mas nalunod pa siya sa popula­rity kuno niya ngayon kesa sa pinakisawsawan lang niya!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Hindi niya na-handle nang maayos ang opportunity na dumating sa kanya by chance! Nakalimot na siya, hindi na kasi siya mangangalabit-penge, madatung na raw kasi siya!” namamanghang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Cristy Ferminute, pahinga ng one week

Isang linggong mamamahinga sa himpapawid ang Cristy Ferminute. Mula ngayong Lunes hanggang sa Biyernes ay wala munang CFM.

Pero sa darating na January 11 ay balik na uli ang talk show, mapapanood na ang Cristy Ferminute sa OnePH, kargado rin sa Radyo 5 (92.3 News FM) at sa FB Live, na kung tawagin ng mga kababayan nating naninirahan-nagtatrabaho sa iba-ibang bansa ay kanilang happy pill.

Cignal na ang hahawak sa aming prog­rama at sa iba pang mga shows ng TV5, maging ang Wanted Sa Radyo ni Raffy Tulfo ay nasa Cignal na rin, ang programa na lang nina Ted Failon at DJ Chacha ang maiiwanan sa TV5.

Pamamahala lang sa mga programa ang magbabago, pero ang nakasanayan nang atake ay hindi mawawala, tututok pa rin sa maiinit na kontrobersiya at mga balitang-showbiz ang aming programa ni Romel Chika.

Magkikita-kita po tayong muli sa CFM sa darating na Lunes, January 11, sa Cignal OnePH, Radyo Singko at FB Live.

Maraming salamat po.

Diego, ‘di bagay kay Barbie?!

Maraming nababaitan kay Diego Loyzaga para kay Barbie Imperial. Hindi raw sila bagay, bina-bash ang dalaga sa social media, nakakaawa raw naman ang binata sa aktres.

May pinanggagalingan ang mga nagkokomento ng ganu’n. Hindi kasi naging maganda ang kuwento ng pakikipagrelasyon-pakikipaghiwalay ni Barbie kina JM de Guzman at Paul Salas.

Maligalig, kontrobersiyal, mara­ming ikinukuda si Barbie sa nakaraan nilang relasyon. Baka raw matulad lang si Diego Loyzaga sa dalawang aktor na winasak ni Barbie ang imahe.

Iba naman si Diego. Ibang istorya naman ang kanilang ninanamnam ngayon. Baka naman maiba ang kuwento. Malay naman natin, baka silang dalawa pa nga ang magtagal, baka ibang-iba ang maging produkto ng kanilang pagmamahalan.

Mahirap makawala si Barbie sa anino ng mga nakaraan niyang relasyon. Pero baka naman natuto na siya sa nakaraan. Hindi na siya magkukuwento tungkol sa ex niya, hindi na siya magpo-post ng kung anu-ano para magalit sa lalaki ang publiko, mananahimik na lang siya.

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with