^

Producers ng MMFF movies, dudulog na sa pulisya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2021 - 12:00am

Nakatakdang dumulog sa Camp Aguinaldo ang ilang producers na may entry sa Metro Manila Film Festival 2020.

Iisa ang reklamo nila, napirata na kaagad ang pelikula nila kaya ang hirap din umusad ang bentahan ng tickets sa Upstream.ph dahil nga sa talamak ng bentahan ng mga pelikula nila sa ilang online sites.

May ilang listeners nga sa radio prog­ram namin sa DZRH na nag-forward ng ilang Facebook account na nagbebenta ng Fan Girl, Pakboys at Mang Kepweng at ang Lihim ng Bandanang Itim.

Pati nga ang Wonder Woman 84 ay binibenta na rin nila kasama ang ilang pelikulang produced para sa iWantTFC.

Galit ang ilang netizens sa harap-harapang pagnanakaw na ito ng mga pelikulang pinaghirapan ng mga producer.

Nabanggit na rin lang ang pinaghirapang pelikula, pinagtiyagaan naming panoorin ang Pakboys: Takusa ng Viva Films at kahit paputol-putol ang panonood pinilit naming tapusin dahil gusto naming malaman kung ano ang magi­ging ending nito. Nilait kasi ito nang husto ilang reviews. Meron pa ngang nag-react na si Janno Gibbs sa panlalait ng isang critic.

May ilan namang minabuti nilang hindi na lang panoorin, at nilagpasan na nila ito sa sampung pelikulang napapanood sa Upstream.ph. Pero ang hirap makipagdiskusyon dito dahil isa ito sa pinakamalakas na nabebenta online.

Kung naipalabas ito sa mga sinehan, baka nga isa rin ito sa pinakamalakas. Kaya  ewan ko lang kung balak din ba ng Viva na ipalabas ito kapag may mga sinehan nang bukas.

Jessica ayaw nang magpuyat

Masasabing semi-retired na si Jessica Soho dahil binitiwan na nito ang programa niyang State of the Nation sa GMA News TV.

Nakumpirma na nga mismo sa GMA News and Public Affairs na hanggang December 31, 2020 na lang si Ma’am Jessica sa State of the Nation dahil nag-resign na siya rito. Isa na lang ang gusto niyang gawin, ang kanyang top-rated show na Kapuso Mo Jessica Soho. Gusto na raw niyang magbawas ng trabaho para bawas stress na rin. Late na kasi natatapos ang SONA niya kaya late na siya nakakatulog. Gusto raw niyang makatulog nang maaga, na kailangan naman sa ating kalusugan.

Nakakasabay ko nga siya noon na nagpapa-acupuncture sa Maginhawa, Quezon CIty, minsan daw ay dalawang beses sa loob ng isang linggo raw siya nagpapa-acupuncture para mabawasan daw siya ng stress.

Apektado si Jessica sa mga naku-cover niya, at stressful ito sa kanya. Kailangan na nga niyang magbawas ng trabaho, dahil hindi na rin magandang magpaka-stress lagi lalo na’t nagkakaedad ka na raw.

Bagay naman sina Atom Araullo at Maki Pulido na ipinalit sa news program na ito. Tuloy pa rin ang iba pang programa ni Atom na kung saan magaganda lagi ang napi-feature sa kanyang Atom Araullo Specials. Meron din siyang ginagawa sa I Witness, kaya mas hectic sa kanya ngayon ang taong 2021.

Ang tanong ng iilang nakatsikahan namin; kailan naman kaya magkakaroon ng time si Atom sa kanyang lovelife?

DZRH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with