^

PSN Showbiz

Rayver, mas pinili si Julie Anne kesa kay Janine?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Rayver, mas pinili si Julie Anne kesa kay Janine?!
Janine
STAR/ File

Maliwanag na hindi na mapapanood si Janine Gutie­rrez sa GMA 7, at lilipat daw sa ABS-CBN. Desisyon nga ba ni Janine na lumipat sa ABS-CBN, samantalang ang karamihan ng mga star nito ay nag­li­lipatan na nga sa GMA at sa iba pang networks dahil wala pa ngang franchise at off the air pa ang free TV ng ABS-CBN.

Masasabi nga ba na ginawa iyon ni Janine dahil walang offer sa kanya ang GMA at hindi na ni-renew ang management contract  niya? Ganyan din ang kuwentong narinig natin kay Kris Bernal, ayaw niya sanang umalis pero hindi na ni-renew ang kanyang contract. Kung ganyan nga ang sitwasyon, ilang stars pa kaya ang hindi na ire-renew ng GMA dahil marami namang pumapasok sa kanilang ibang stars na sa tingin nila ay mas bankable?

Natatandaan din namin, nang lumipat si Rayver Cruz sa GMA, sinasabing ang isa sa mga dahilan ay para magkasama nga sila sa project ng tunay niyang girlfriend na si Janine Gutierrez. Kaso hindi nangyari iyon dahil pilit namang itinatambal si Rayver kay Julie Anne San Jose.

Noong una si Julie Anne ay pilit ding itina­tambal kay Elmo Magalona na naging syota rin ni Janine. Hindi naman sila nag-click at ngayon nga kay Rayver naman itinatambal. Iyon ang dahilan kung bakit hindi mabigyan ng project si Rayver na kasama si Janine. Kaya nga siguro kahit na off the air, sumugal na si Janine sa ABS-CBN, na bukod sa cable ngayon, may posibilidad na makagawa pa siya ng pelikula sa Star Cinema. After all, napatunayan naman niya na magaling siyang artista at sunud-sunod ang panalo niya ng awards, sa abroad pa.

Pero ang paniwala namin, saan man mapadpad si Janine hindi iyan madedehado. Kasi iba ang respeto ng mga tao sa industriya sa kanyang pamilya, at on her own ay napatunayan na nga niyang isa siyang mahusay na aktres.

Papaano namang madedehado pa iyan?

Mike, naghihintay pa rin ng trabaho

Mukhang nagiging kuntento naman ang actor na si Mike Tan sa kanyang online business. Gumagawa sila ng cakes at pastries na idine-deliver nila. Tumatakbo ang negosyo online. Ang sinasabi niya, kaya siya enjoy ay dahil hindi pa niya kailangang umalis ng bahay at mas mahaba ang panahon na nakakasama niya ang kanyang mga anak.

Madalas pa ngang nagpo-post siya ng pictures na siya ang nag-aalaga sa kanyang mga anak.

Magandang diskarte na nga naman iyan sa buhay. Kung wala pa siyang assignment eh bakit siya magpipilit? Talaga naman kasing limitado ang mga proyektong nagagawa ngayon. Nagtatambakan pa ang dating stars ng ABS-CBN sa kanilang network. Maganda na nga iyong mayroon siyang fall back position. At least may sigurado siyang ibubuhay sa kanyang pamilya at hindi umaasa lang sa shows na maaaring ibigay sa kanya.

Ang isa pang sinasabi niyang mahirap na sitwasyon sa ngayon ay dahil lockdown nga ang tapings at baka maging problema niya iyon kung hindi siya makakauwi araw-araw.

Male stars na mahilig maghubad sa social media, pinag-iingat

Hindi kaya isang araw ay mabalitaan na lang nating may bago na namang epidemya at mapulmonya naman ang ating male star? Hindi rin namin maintindihan kung bakit karamihan sa kanila, mas madalas kaysa sa hindi na walang suot na kahit na kamiseta sa kanilang posts sa internet.

Mabuti nga kung wala lang kamiseta, karamihan sa kanila halos lahat ng posts ay nakasuot lamang ng briefs. Hindi naman siguro masasabing sila ay endorser lamang ng underwear dahil iba-iba namang tatak ang kanilang suot. Hindi rin masasabing nagpapapansin sila para makuhang endorser ng underwear.

Noong araw, hindi mo makikitang ganyan ang mga artista. Lagi silang na­kadamit nang maayos.

Pero sa totoo lang ha, lalo na ngayong pumapasok pa lamang ang lamig dito sa ating bansa, kasabay ng pagkatunaw ng yelo sa northern hemis­phere, oras na tamaan sila ng pneumonia baka sabihin COVID na iyan. Ingat-ingat din.

vuukle comment

JANINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with