^
Scarlet, nakikipag-chikahan sa mga hayop na sa libro lang nakikita ng maraming bata
Scarlet
STAR/File

Scarlet, nakikipag-chikahan sa mga hayop na sa libro lang nakikita ng maraming bata

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2021 - 12:00am

Suwerte mo pag isa kang bata at meron kakayahan ang parents mo na ipakita sa iyo ang habitat at nature. Ima­gine na in person nakikita ni Scarlet Snow ang animals na sa libro lang nakikita ng ibang bata.

Zebra, giraffe, lions, elephants, na any moment puwede nang mawala sa mundo dahil nga hindi na naalagaan ang environment nila.

Pero hayun nai-enjoy ni Scarlet dahil sa dinala siya ng mga magulang na sina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa African Safari.

Ang sarap ng memory na iyon, na heto at kala-kalaro mo ang mga animal na dati ay sa photo niya lang nakikita.

Scarlet is a very intelligent kid, kaya sure na magtatagal sa memory niya ang mga nakita niyang kakaiba sa Africa.

Direk Lauren maraming tinutupad na pangarap

In life talaga, meron kang mga pangarap.

Maraming mga bata na talagang gustung-gusto na mapasok sa PBB, Starstruck, lahat ng reality shows na puwedeng magbigay daan para maging artista sila.

Kaya parang idol na nila si Direk Lauren Dyogi ng PBB. Dahil nga naging mga sikat sila Kim Chiu, Gerald Anderson, gusto rin nilang maabot ang narating ng mga ito.

Ganundin ang dream ng mga humanga kay Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, na sana matulad sila sa mga suwerte na nanalo sa mga reality show.

Hindi lahat ng nangarap, nagtagumpay, maraming nabigo. May mga sinuwerte talaga tulad ni Alden Richards na ilang beses natalo, pero top star na ngayon.

Pero iyon nagagawa ng pagtulong ng mga tulad ni Direk Lauren Dyogi napakalaking bagay, iyon pag build up ng confidence ng isang nangangarap, ang pagbubukas ng pintuan kahit pa nga later on palalabasin ka dahil hindi mo nakuha ang hinahanap nila. Malaking bagay iyon kahit paano, meron isang Direk Lauren Dyogi na nagbubukas pinto sa iyo.

Kaya naman ang daming bata ang sumasali sa PBB, ang daming mga pangarap na nabibigyan katuparan ng isang Direk Lauren Dyogi.

Bongga talaga ang Bahay ni Kuya.

SCARLET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with