^

PSN Showbiz

Sunshine, nagiging malakas dahil sa lovelife

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, nagiging malakas dahil sa lovelife
Sunshine Cruz
STAR/ File

Aminado si Sunshine Cruz na dahil sa umiral na pandemya ay medyo nabago ang kanyang buhay. “Mas mahirap ang taping ngayon dahil straight ang trabaho ng seven days, tapos may pahinga namang seven days din. Pero bago ka bumalik sa taping kailangan ng swab test, pag-uwi mo swab test pa ulit. Pero naiintindihan ko iyon dahil gusto nila na maging safe naman ang lahat.

“Ang problema ko lang sa lock-in, hindi ko nakikita nang ilang araw ang mga anak ko. Eh ako pa naman kahit na sabihin mong abutin nang umaga ang taping ok lang sa akin basta makakauwi ako ng bahay at makikita at makakasama ko ang mga anak ko. Ilang taon na rin naman iyang kami-kami lang ang magkakasama pero wala akong magagawa, kailangan kong magtrabaho para matustusan din ang lahat ng kailangan nila. Alam ko naman kasi na wala akong maaasahang ibang taong makakatulong sa pangangaila­ngan ng mga anak ko. Kaya sabi ko nga kesa sa makunsumi ako, ako na lang ang magsisikap para sa kanila.

“Sa awa naman ng Diyos, kahit na may pandemic hindi ako nawawalan ng trabaho,” sabi ni Sunshine sa amin.

Marami ang nakapansin, puro sa TV ang ginagawa niyang projects, ayaw na ba niya sa pelikula?

“Wala pa lang sigurong magandang offer. At saka ngayon naman bihira ang gumagawa ng pelikula dahil sarado pa nga ang mga sinehan. Siguro kung ­naging successful lang ang MMFF, at napatunayang ang mga pelikula ay kikita kahit na sa internet lang, baka marami na ang gumawa ng pelikula. Hindi naman sila naghahabol ng malaking kita talaga, iyon lang mabawi ang puhunan at kumita kahit na kaunti ay ok na. Kaso nga hindi eh.

“Kami apektado rin nang maipasara ang ABS-CBN, natural nabawasan ang produksiyon. Salamat na nga lang at kahit na hirap itinutuloy pa rin nila ang lahat ng palabas sa cable, sa internet at doon sa A2Z. Kung basta na lang sila nagsara, mas marami pa ang apektado,” sabi pa ni Sunshine.

Eh kumusta naman ang love life?

“Inspiring, at iyan ang nagpapalakas ng loob ko kahit na maraming problema. Alam kong may dumadamay sa akin sa lahat ng problema ko,” dagdag pa ng aktres.

Maine, nalinis agad ang pangalan

Galit na raw pati ang nanay ni Maine Mendoza sa nagpakalat ng malaswang video ng anak. Pero sa palagay namin, dahil nai-refer na naman nila iyon sa NBI, dapat hayaan na lang nilang ang NBI ang gumawa ng imbestigasyon.

Ang mahalaga ay lumabas na rin naman ang katotohanan na hindi si Maine talaga ang nasa malaswang video kundi isang look alike lamang, at kung makikita ninyo ang video sa malinaw nakopya, aba eh ang layo naman ng mukha ng pokpok na iyon kay Maine.

Bakit nga ba kailangan pa silang mag-alala nang sobra.

Male star, ‘di kinasabikan dahil maliit lang ang alaga

“Noong hindi pa sikat iyan at nakatira pa sa isang condo na inuupahan niya kasama ng isang male bold star sa Makati, naka-date ko na iyan. Ang una kong naka-date ay iyong male bold star at sa totoo lang, mas sikat iyon kaysa sa kanya noon, at dahil doon ko nga pinupuntahan iyon sa condo, nakilala ko rin iyan at nang mapalagay na rin ang loob niya sa akin, nakaka-date ko na rin siya lalo na kung hindi puwede si male bold star,” pagkukuwento sa amin ng isang designer na bading

“Sus, maliit lang ang totoong bird ng lalaking iyan kaya nga kahit na mas sumikat siya, mas gusto ko pa rin iyong male bold star. Iyon ang tama sa sukat. Kaya kahit na marami ang tsismis na frontal-frontal, hindi pa rin ako na-excite. Kasi ang hilig ko bratwurst, hindi Vienna sausage,” dugtong pa ng bading.

Basta para sa inyong lahat, Happy New Year ang aming bati.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with