^

Male personality na nagpakakontrobersyal sa pag-imbento ng mga kwento, hindi nagtagumpay sa pamilya

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2020 - 12:00am

Ginawa na niya ang lahat ng paraan para siya mapansin pero hindi pa rin siya nagtagumpay. Nag-imbento na siya ng kung anu-anong kuwento para lang siya magkaroon ng espasyo sa mundo pero nabigo pa rin siya.

Nananahimik na siya ngayon. Siguro nga ay pikit-mata niya na lang na tinanggap na hindi pa handa ang publiko para siya ay tanggapin sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

Kuwento ng isang source, “Nakakaawa siya, ano pa ba ang kailangan niyang gawin para lang siya mapansin? Binulabog na niya ang buong mundo tungkol sa mga kuwentong inilabas niya na siya lang naman yata ang naniniwala, pero waley pa rin!

“Inaway na niya at pinakialaman ang buhay ng mga sikat na personalities para lang siya mapansin at mapag-usapan, pero bigo pa rin siya!” unang kuwento ng aming impormante.

Pero ang pinakanakakalungkot ay ang pagkabigo niyang mapalapit uli sa mga taong mahalaga sa kanyang buhay. ‘Yun ang hindi niya matanggap-tanggap.

Patuloy ng aming source, “’Yun lang naman talaga ‘yun, e! Wala naman siyang ibang gustong mangyari kundi ang matanggap ng pamilya niya. ‘Yun ang pinakamahalaga para sa kanya.

“Pero ginawa na niya ang lahat-lahat, may mga kaibigan na ngang tumulong sa kanya para makausap ang pamilya niya pero bigo pa rin ang mga ‘yun! Walang nagawa.

“Alam naman natin na hindi siya masaya sa buhay niya ngayon. Nagmamatapang lang siya, pero ang totoo, e, duwag na duwag siya ngayon dahil kapos na kapos siya sa love ng mismong family niya.

“Imagine, ni wala man lang siyang nakakausap na kapamil­ya, ni walang nakakabalitaan, ano nga namang klaseng buhay ang ganu’n?

“Siya na mismo ang nagsabi, mabuti pa nga ang ibang tao at tanggap ang kung sino siya ngayon, pero ang family niya, walang paramdam!

“Mas mabuting ‘yun na lang ang tutukan niya, huwag na siyang makialam pa sa buhay ng kung sinu-sino, tama na ang pag-iimbento ng mga kuwentong halatado namang tinagpi-tagpi lang niya.

“Behave na lang sana siya, focus ang kailangan niyang gawin, manahimik na lang sana siya para makuha niya ang loob ng mismong pamilya niya.

“’Tol, hinay-hinay lang kasi. Huwag kasing nagpapakontrobersiyal para lang kumita at mapansin!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

KathNiel fans, ayaw PA RING tantanan si Alden

Ano kaya ang problemang bumabagabag sa mga tagasuporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at hanggang ngayo’y masyado silang apektado sa presensiya ni Alden Richards sa mundo?

Hindi naman lahat, may mga tagahanga ang KathNiel na gumagamit ng utak bago umupak, pero may mga tagahanga ang tambalan na kung i-bash ang Pambansang Bae ay parang wala nang bukas.

Matagal nang naipalabas ang pinagtambalang pelikula nina Alden at Kathryn, sobra-sobrang pagtangkilik ang ibinigay ng ating mga kababayan sa kanilang proyekto, inaangkin nila ngayon ang kredito bilang pinakaunang pelikulang Pilipinong kumita nang ganu’n katindi. Hindi lang daang milyong piso ang pinag-uusapan sa Hello, Love, Goodbye kundi bilyon.

‘Yun ba ang hanggang ngayo’y ikinagagalit ng ibang tagahanga ng KathNiel kay Alden? Sobrang matinding sampal ba ‘yun para sa tambalan ng kanilang mga idolo?

Mabenta pa rin sa Netflix ang pelikula, habang umaandar ang kaliwa’t kanang streaming ng pinagtambalan nina Alden at Kathryn ay sige-sige rin ang pamba-bash kay Alden ng ibang miyembro ng KathNiel, inilalampaso talaga ng mga ito si Alden.

Extra lang daw naman si Alden sa pelikula, si Kathryn lang daw ang bida, nakakaloka ang mga faney na ito! Ilang ulit naman nilang pinanood ang proyekto, kabisado naman nila ang ikot ng istorya, extra nga lang ba si Alden Richards?

Literal na mabuti ang puso ni Alden, ipinanganak siyang kakambal ng kanyang inunan ang malawak na isip at haba ng pasensiya, hindi sila sinasagot ng singer-actor.

Pinababayaan lang niyang bumula ang bibig ng mga taong walang magandang magawa sa buhay ngayong pan­demya kaya sobrang aligaga sa pagbira sa kanya.

Na tama lang. Bakit niya pa sasagutin ang mga taong parang kabayong may tapa ojo sa pagiging bulag at pagbubulag-bulagan? Sayang lang ang napakahalaga niyang panahon.

Ipunin na lang ni Alden Richards ang kanyang lakas sa dami ng kanyang trabaho. Wala na nga halos siyang tulog at pahinga sa pagdating ng mga proyektong nagpapatunay lang kung gaano siya kasikat at ka-in-demand, paglalaanan pa ba naman niya ng panahon ang mga pasaway, no way!

Mamatay na lang sila sa inggit!

KATHNIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with