^
Nagkakalat ng sex video ng latina porn actress na kamukha ni Maine, hina-hunting ng NBI

Nagkakalat ng sex video ng latina porn actress na kamukha ni Maine, hina-hunting ng NBI

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2020 - 12:00am

Hinahanap na ngayon ng NBI kung sino pa ang nagkakalat ng sex video ng isang kamukha ni Maine Mendoza na porn Latina actress pala.

Ito ay matapos ngang mag-file ng reklamo ang mommy ni Maine na si Mary Ann Mendoza with Maine’s manager Rams David kahapon sa NBI Anti-Cybercrime Division.

Lumutang sa isang porn site ang nasabing video na ginamitan ng ‘deepfake technology/app,’ ayon sa manager ni Maine para mas maging kamukha pa ni Maine.

After na lumabas ang nasabing video last December 22, pinag-aralan na ng management group ni Maine ang puwedeng ikaso sa mga nagkakalat nito, kasama niya ang tatlong lawyer All Access Artists. May ilang nabura na raw pero may ilang pang nagkakalat nito. “Sa unang tingin mo parang kamukha niya pero Latina porn actress talaga siya. Parang kamukha na nga niya tapos minanipulate pa,” sabi ni ateng Rams nang makausap ko kahapon pagkagaling nila ng NBI. “Inimbestigahan namin kasi pinipilit nilang si Maine,” dagdag ni ateng.

Ayaw daw talaga silang tantanan sa kaka-tag ng nasabing video.

Hindi raw ito tiningnan ni Maine nang buo dahil galit na galit ang pamilya nito sa mga nagkakalat na  dapat lang naman dahil wala sa hitsura ni Maine na gagawa ng kalaswaan. “Sino ba namang hindi magagalit, nakakagalit siya talaga kasi pati ako kung anu-anong sinasabi nila (bashers),” dagdag ni Rams.

Hindi naman kasamang pumunta sa NBI si Maine kahapon ng 8:00 a.m  at almost lunch time na sila natapos sa pag-sworn ng statement.

 

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with