^

PSN Showbiz

MMFF official entries, binebenta agad sa flash drive

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Nag-warning ang Star Cinema laban sa piracy ng kanilang pelikula. Umangal din ang pelikula ni Vhong Navarro at ang The Boy Foretold by the Stars. Ultimong iyong Suarez: The Healing Priest may nagbalita sa aming napanood nila sa streaming sa Facebook. Pinirata na rin daw ang pelikula ng Viva.

Papaano nga bang kikita ang mga pelikula kung ganyan? Sinabi na namin iyan sa simula pa lang. Mas mabilis na mapipirata ang mga pelikula sa MMFF, dahil inilalabas sila sa isang internet platform.

May manonood lang isa, maida-download na iyon at ang kasunod noon mas marami nang kopya. Mayroon na rin daw naglo-load ng lahat ng 10 pelikula sa flash drive, sa halagang P100 lang. Ano nga ba ang ginagawa natin laban sa piracy? Mahabang panahon na pumarte ang Optical Media Board sa kita ng festival. May pinapartehan pang Anti-Piracy Council sa kita ng festival, pero ang piracy lalong nagiging talamak.

Ang nakakatawa lang, may kakilala kaming pirate na tinanong namin sa Greenhills, ang sabi niya “wala akong kopya. Hindi na ako kumuha dahil mukhang wala namang interesadong manood ng mga pelikulang kasali.”

Kawawa ang mga kasali ngayon sa MMFF, mali kasi ang diskarte at walang promo.

Nora, hindi na namimili ng mga gagawin

Ang usap-usapan, mukhang maling diskarte na isinali pa nila ang pelikula ni Nora Aunor sa Metro Manila Film Festival.

Siya ang early favorite na manalo ng best actress award, at sino nga ba ang mag-iisip na tatalunin siya ulit ng isang baguhan lang na hindi pa kilala.

Natatandaan namin, minsan ay tinalo rin siya ng baguhang si Teri Malvar.

Kung sabagay, hindi pinag-uusapan diyan kung superstar ka man o ano, ang pinag-uusapan diyan ay kung ano ang naging performance ninyong lahat sa mga pelikulang kasali. Pero ang awards, hindi na siguro papansinin ni Nora dahil marami na siya niyan. Ang mas masakit diyan ay iyong masabi na namang hindi kumita ang kanyang pelikula. Pero first day pa lang, sinabi na ni Nora na marami siyang fans na nagrereklamo na gustong makapanood ng kanyang pelikula pero hindi nga alam kung papaano makakabili ng tickets.

Ang suggestion nga ni Nora, sana magbigay ng tutorial kung papaano makakabili ng tickets o kaya gumawa ng ibang mas simpleng outlet para sa fans na may edad na at hindi naman techie.

Iyon ang mas masakit, dahil natural para sa isang artista na ang status ay kagaya niya ay inaasahang laging malaki ang kikitain ng pelikula. Ang masakit hindi pa nakakagawa ng hit si Nora simula nang magbalik siya mula sa kanyang naging self exile sa US. Ang huling-huling pagkakataon na ang pelikula ni Nora ay ­naging top grosser sa MMFF ay maraming taon na ang nakaraan, isang sitcom iyon na partner pa niya si Boyet de Leon.

Iyon ang kailangang mapatunayan ni Nora ngayon. Maliwanag naman na wala pa siyang balak na magretiro sa pagiging artista at hanggang kailan siya kikilalanin bilang superstar, at sino ang mamumuhunan kung ganyan ngang lately ay hindi na kumikita ang kanyang mga pelikula?

Isa lang ang nakikita naming problema eh, tanggap nang tanggap si Nora ng projects dahil kailangan din niyang kumita. Hindi natin maikakaila na mabigat pa rin ang responsibilidad niya ngayon kahit na nga sabihing may kanya-kanya nang buhay ang kanyang mga anak at ampon. Dahil doon hindi na nga masyadong pinilipi ang mga pelikulang gagawin niya.

Masasabing ang importante kay Nora ngayon ay kumita ang kanyang mga pelikula dahil iyon lamang ang paraan para makakuha siya ng mas magagandang projects sa malalaking producers.

Mga umasang mananalo, nganga sa awards night

Nag-late night cap kami noong Linggo ng gabi. Malapit lang sa mesa na aming kinauupuan ang isang grupo ng mga taga-pelikula na mukhang malulungkot. Akala namin noong una ay dahil lamang sa hindi kumita ang kanilang festival movie. Iniwan namin sila na nag-iinuman pa roon. Pagda­ting namin sa bahay at saka lang namin nabalitaan, natalo pa pala sila sa awards. Inaasahan noong una na sila ang hahakot ng awards, alikabok pala ang hahakutin nila.

Iyan ang sinasabi namin na hindi ba kasabihan na ngang “this is where the unexpected is always expected to happen”? Simula noong si Boyet de Leon ay tinalo ni Baldo Marro bilang best actor, natanggap na namin ang katotohanang iyan.

 

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with