_ngayon
^

PSN Showbiz

Sec. Mark, walang holiday sa trabaho

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sec. Mark, walang holiday sa trabaho
DPWH Sec. Mark Villar

Talagang sa rami ng work ni Anna Mae Lamentillo, ang trusted personal secretary ni DPWH Sec. Mark Villar, talagang mismong Pasko yata ay ipinadala niya ang gifts para sa showbiz friends na kabilang tayo. Photo finish siya dahil ‘di ba pinaka-busy yatang department sa lahat ang hawak ni Sec. Mark Villar na Department of Public Work and Highways! Halos wala silang holiday dahil nga sa kagustuhan na lahat ng inumpisahang projects matapos bago ang termino ni Papa Digong.

Talagang ang tindi ng sked nila na backbone breaker sa pagnanais nilang matapos ang mga daan, tulay, lahat ng infrastructures na talagang ang laki naman ng nagagawa para sa progreso. Nakita mo kung gaano kabilis na ngayong magpunta sa Baguio, Tagaytay at Bikol?

Makikita mo ang mga bagong highway na nakatulong para mas madali ang biyahe.

Advantage ni Sec. Mark Villar na bata pa siya at in top shape kaya walang pagod na nagagawa ang trabaho. At tingnan mo si Anna Mae, sexy na dahil nga pumayat sa trabaho.

Lani malapit nang bumalik sa trabaho

Ang ganda naman ng lesson sa pagkakasakit ni Lani Misalucha.

Imagine nawalan siya ng pandinig sa isang tenga dahil sa infection, at matagal ka sa ICU dahil sa sakit?

Siguro talagang sobrang nerbiyos ang naramdaman ng mag-asawang Lani at mister nito, na parehong nasa ICU sa panahon pa ng COVID-19.

Talaga siguro sa ganitong pagkakataon, lalo mo pang tatapangan ang loob mo dahil nga halos kayong dalawa pa ang nasa hospital. Buti na lang at gumaling, pero iyon na nga nawalan ng pandinig ang isang tenga niya .

Isang kakaibang experience na talagang kung mahina loob mo, puwede ka nang bumigay. Good na nalagpasan ito ng mag-asawa at ngayon ay mabuti na ang lagay nila.

Malapit nang bumalik sa trabaho si Lani, at baka naman magbalik din sa dati ang kanyang pandinig.

Careful, Lani, now more than ever, alam na nating health is wealth.

MARK VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with