^
Isyu sa pekeng sex video ni Maine,mabilis natapos
Maine

Isyu sa pekeng sex video ni Maine,mabilis natapos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2020 - 12:00am

Dahil doon sa kaso ng isang pulis na tinawag nga ni Presidente Digong na “yawa,” at gusto niyang pakai­nin ng COVID, hindi gaanong napag-usapan ang kaso ni Maine Mendoza. Nagreklamo si Maine dahil may naglabas ng post sa social media na mahalay talaga at sinasabing siya iyon. Kung makikita ninyo ang post, at may nakapag-save nga noon at naipakita pa sa amin, dahil inalis na rin naman sa internet platform kung saan iyon inilabas, masasabi mong sa biglang tingin ay aakalain mong si Maine nga ‘yun.

Siyempre kumilos naman ang loyalistang fans ni Maine, nag-report sila sa Facebook at mabilis naman ang naging aksiyon. Nawala bigla ang post, at pati ang account ng nag-post. Hindi natin alam ngayon kung aksiyon nga iyon ng Facebook, o baka naman natakot din iyong “yawa” na gumawa noon kaya nag-delete na rin siya ng kanyang account.

Pero ang mga bagay na iyan, kasabay na iyan ng social media. Wala pa ang Facebook, Friendster pa lang ang mayroon noon, may mga gumagawa na ng ganyang kahala­yan. Wala pa ngang social media, may gumagawa na rin ng ganyan. Hinahanap nila ang mga porno na may look-alike ng mga sikat nating artista, tapos ibinebenta nila sa VCD pa noong araw na ang nakalagay sa kanilang ginawang cover ay iyong picture ng artista mismo, at iyong nagbebenta ang isinisigaw ay ang pangalan ng artista.

Marami talagang “yawa” na gumagawa ng mga ganyang kalokohan. Mayroon ba namang mas malaki pang “yawa” kaysa sa nagpakalat noon na si Congresswoman Vilma Santos ay mayroon daw Betamax scandal? Nag-alok si Ate Vi ng isang milyon, aba noon mas malaki pa iyon sa premyo sa ticket sa sweepstakes, may makapagpakita lang sa kanya ng Betamax na iyon, pero walang lumitaw. “Yawa” nga eh.

Kaya ang mga artistang bago ngayon, kung may lalabas pang ganyan, huwag na ninyong pansinin kung hindi naman kayo iyon. Pumalag kayo kung talagang nakagawa kayo ng sex video at ikinalat iyon ng pinagbigyan ninyo.

Mga producer, hindi na gaanong nag-effort sa promo

Ayan ha, wala raw censorship sa mga pelikula sa Metro Manila Film Festival maliban sa dalawa na pina-review sa MTRCB, kasi nga hindi naman ilalabas sa sinehan. Wala ring makapagsasabing masyadong siksikan ang mga sinehan, dahil sa internet na nga lang panonoorin. Wala ring makapagsasabing inalisan sila ng sinehan, dahil wala nga eh. Noon, nangyayari iyon dahil may mga pelikulang pitong tugtog na ang Pambansang Awit wala pa ring pumapasok para manood.

Pero napansin namin, parang kulang din ang advertising ng mga pelikula natin. Dati sa bawat sulok ng kalye, may mga poster ang pelikula, ngayon ay wala. Siguro hindi ginawa iyan ng mga producer dahil dagdag na gastos lang iyan eh hindi pa sila sigurado kung kikita nga sila sa festival. At malamang umaasa na talaga sila sa social media.

Kita ninyo hanggang ngayon, wala pang nagyayabang na sila ang top grosser. Kung noong araw iyan, kagabi pa lang ay nagtatalu-talo na sila kung sino nga ang mas malaki ang kinita.

 “Yawa” nga rin talaga ang Covid na iyan, apektado ang buhay at pinagkakakitaan ng lahat, liban na lamang doon sa mga ‘alam mo na.”

Aktor na may karelasyon, doktor ang kasama noong Christmas eve

December 24, Christmas eve, pero hindi pa naman gabi noon, hapon pa lang. Nakita namin ang isang poging male star na nasa coffee shop sa Makati, naroroon din naman kami dahil hinihintay namin ang aming order na iuuwi namin para sa Noche Buena noong gabing iyon.

Pero hindi ang maganda at mahusay na aktres na girlfriend niya ang dumating na ka-date. Ang dumating ay si Doc, na ang alam namin ay nasa abroad at nagbubukas ng kanyang mga clinic doon. Masaya silang nagkuwentuhan at magkasamang umalis. Pero si Doc lang talaga, hindi rin kasama ang kanyang misis.

           

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with