^
Justin, humingi ng tawad sa panlalait kay Jie-Ann sa PBB Connect
Justin
STAR/ File

Justin, humingi ng tawad sa panlalait kay Jie-Ann sa PBB Connect

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2020 - 12:00am

In all fairness, maingay ang PBB Connect. Ang daming nanonood sa Facebook live at Kumu.

Days ago nang mag-trending ito matapos na laitin ng isang housemate  ang kapwa niya housemate.

Pero humingi na ng patawad ang PBB Connect housemate na si Justin Dizon sa kanyang mga nabitawang salita kay Jie-Ann Armero kaugnay sa hindi madalas na pagligo ng kapwa housemate.

Ani Justin kay Jie-Ann, na naging malapit na niyang kaibigan sa loob ng Bahay ni Kuya, “I really lacked understanding na we don’t live in the same house. If ever you felt offended with those jokes, I wanna say sorry. I forgot to realize na iba tayo ng environment. I wanna say sorry because they were insensitive. I’ll try my best to be more sensitive with how you feel.”

Sa episode na ipinalabas sa programa noong December 18, nilapitan ni Justin si Jie-Ann, na noo’y dinadamayan ng iba pang housemates matapos makitang malungkot. Ipinaliwanag ng “Kwelang Fangirl ng Sarangani” na hindi niya nakasanayan ang pagligo araw-araw dahil kinakailangan nilang bumili ng tubig.

Kuwento ni Jie-Ann, P12 kada lalagyan ang binibili nila kaya’t tinitipid ng kanyang pamilya ang kanilang tubig sa bahay.

Naging usap-usapan ng mga netizen sina Justin at Jie-Ann kamakailan lang nang kumalat ang isang bahagi ng livestream kung saan tila bang nakapagsalita ng masakit si Justin kay Jie-Ann kaugnay ng hindi niya pagligo. Pero napagtanto ni Justin na mali ang kanyang naging pagtrato kay Jie-Ann kahit pa nagbibiruan silang dalawa kaya humingi ito ng tawad.

Binigyang diin din ni Kuya sa housemates at viewers ang kahalagahan ng respeto at pag-uunawa sa kapwa.

“Tinipon ko kayo rito sa aking bahay na may iba’t ibang pinanggalingan, kultura, tradisyon sa pamumuhay, ugaling kinagisnan, at pang araw-araw na pinagdaraanan. Sa nangya­ring ito, hangad ko na hindi lang na mas makilala pa ninyo ang isa’t isa, kundi ang igalang niyo rin ang pagkakaiba ng bawat isa at matutong rumespeto at umunawa dahil kayo ay magkakaiba ng pinagdaraanan. Sa ganitong paraan, mas titibay ang inyong samahan,” sabi ni Kuya sa housemates.

Samantala, ipinakilala na kahapon sa PBB Kumunect Tayo Afternoon Show  nina Melai Cantiveros at Enchong Dee ang ika-15 official housemate ng season na si Ralph Malibunas, “Ang Na-Nice Boy Nanny ng France.” Ibinalita rin nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo sa PBB Kumunect Tayo sa primetime na 14 na lamang ang natitirang aspiring housemate sa Kumu na maaring makapasok sa bahay ni Kuya.

Napapanood ang iba pang pangyayari sa PBB Connect sa primetime, 8:30 p.m. sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

JUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with