^
Sen. Bong, enjoy sa online game show
Sen. Bong Revilla
STAR/ File

Sen. Bong, enjoy sa online game show

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2020 - 12:00am

Ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa si Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook program. Ang saya-saya niya du’n sa game show na ginagawa niya sa Facebook na para siyang bata sa pagbunot ng mga pangalan ng mga nanalo sa raffle at sa dance contest niya.

Para tuloy naisip ko na baka gusto niya talagang magkaroon ng game show o kaya ng isang live show. Kasi siya ang talagang super excited sa mga ginagawa niyang games, tuwang-tuwa siyang makipag-interact sa kanyang audience. To be fair, masaya siya na nakikipag-communicate sa lahat ng nakasubaybay sa kanyang Facebook show.

People person talaga siya, mahilig siya sa tao, masaya siya sa gitna ng followers niya, napi-feel niya ang sadness nila, ‘yung happiness, kaya free flowing ang interaction nila.

Hay naku, hindi niya napapansin, ang dami na niyang nagagasta sa mga premyo na ipinamimigay niya pero basta happy siya na marami ang sumasali.

Well, one way niya rin of paying forward sa followers niya na loyal sa kanya.

It’s the thought that counts…

More than the gift, ‘yung thought ng nagpadala ang talagang appreciated ko.

Sa layo ng bahay ko, siguro kaya inabot ng gabi ang naghatid ng gifts ni Peachy Guioguio ng TV5. Matagal ko nang wish na magkaroon ng St. Benedict medal para sa door at voila, iyon ang ipinadala niyang gift sa akin with matching apples to keep the doctors away.

Lagi akong nakakatanggap ng gifts sa TV5 na alam ko na si Peachy ang namamahala para sa showbiz press, kaya naman thank you talaga, now protected na ako ni St. Benedict dahil sa binigay mong door medal.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with