_ngayon
^

PSN Showbiz

Mga Barretto, malabong magkasundo-sundo kahit Pasko

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mga Barretto, malabong magkasundo-sundo kahit Pasko
Julia at Marjorie
STAR/ File

Matapos ang siyam na buwang lockdown at hindi pagkikita, muling nagkasama-sama ang magkakapatid na Barretto sa okasyon ng birthday ng isa nilang kapatid. Kung pagmamasdan mo ang pictures, talaga ngang masaya sila. Naroroon ang lahat, pati na si Gretchen, pero wala si Marjorie at ang anak na si Julia. Mukhang hindi pa sila nagkakasundo simula noong magkaroon ng gulo sa burol ng kanilang ama, at sa harap pa ni Presidente Digong.

Ma­tindi ang away na iyon, nagkasakitan pa, at bagama’t hindi na inuungkat ni Claudine, ang nangyari sa kanila ang dahilan kung bakit kailangang operahan ang kanyang kamay kamakailan lamang.

Pero hindi man sila nagkikita, sinabi naman ni Claudine na hindi sila pinabayaan ng kanyang Ate Gretchen at lagi siyang tinatanong kung ano ang kanyang mga kailangan. Suportado ni Gretchen si Claudine dahil hindi pa naman iyon nagtatrabaho noon.

Nakakatuwa naman ang mga balitang ganyan, lalo na’t nagkakasundu-sundo ang mga miyembro ng isang pamilya, lalo pa nga’t ilang araw na lamang ay Pasko na. Kaugalian na kasi ng mga Pilipino na dapat na buo at magkakasama ang pamilya sa araw ng Pasko. Iyon nga lang bawal ang mga family reunion nga­yon batay sa regulas­yon ng IATF.

Pero sana ang pagkakasundu-sundo nila ay maging habang panahon na. Marami na rin namang naging controversy ang kanilang pamilya at halos lahat ay nauuwi sa awayan.

Minsan mag-iisip ka eh, kasi mabuting pamilya naman iyan. Matagal na namin silang kilala, bata pa si Gretchen noon at maayos naman ang kanilang pagsasamahan.

In fact, ang nakita namin sa kanila ay isang pamilyang close sa isa’t isa. Aywan nga ba kung bakit nagbago.

Juday, matagal nang napatunayan ang husay sa aktingan

Humakot ng awards kamakailan ang isang pelikula ni Judy Ann Santos na naipalabas pa sa mga sinehan noong nakaraang taon. Sinasabing kahit na raw sa abroad ay umani iyon ng magagandang reviews mula sa mga kritiko. Pero hindi natin maikakaila na ang pelikulang iyan ay hindi kumita dito sa ating bansa kahit nakasali ito noong nakaraang taon sa MMFF.

Ganoon naman kasi ang karaniwang nangyayari rito sa atin. Kahit na sabihin mong maganda ang pelikula, kung hindi iyan ang kursunada ng mga tao, hindi sila manonood. After all sila ang nagbabayad sa sinehan, kaya natural sundin nila kung ano ang gusto nila.

Ang husay naman sa ac­ting ni Juday, matagal na niyang napatunayan ‘yan. Ang kailangang maibalik ay iyong katotohanang dati ang lahat ng mga pelikulang gawin niya ay malala­king hits.

Tanggapin natin ang totoo, mas sikat ang mga artistang kumikita ang pelikula kaysa sa nananalo lang ng awards.

Dating aktor na nalulong sa bisyo, mukha nang dugyot ngayon

Kakuwentuhan namin noong isang araw ang kaibigan naming TV reporter, at nasabi niyang sa kanyang lakwatsa minsan ay nasalubong niya ang isang male star. Nagulat daw siya sa hitsura noon na mahaba na ang buhok, malapad ang mukha at mukhang maruming-marumi. Naglalakad daw iyon sa isang mall.

Matagal nang ganyan ang male star na iyan. Mukhang nakadikit na iyan sa kanyang character. Noong kasikatan niya, nababantayan lang ng kanyang handlers kaya maayos iyan. Hindi naman niya makasundo ang kanyang handlers na ang pakiramdam niya masyado siyang pinakikialaman, lalo na sa kanyang mga bisyo.

KAPATID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with