^
Eleksyon sa 2022, ang dami na agad isyu
Lee Kuan Yew
STAR/ File

Eleksyon sa 2022, ang dami na agad isyu

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2020 - 12:00am

Ang aga pa for 2022 pero heto ha, ang dami nang speculations, hula, at mga bali-balita tungkol sa mga tatakbong presidente, kandidato para sa senador, at kung ano pang mga posisyon.

Parang bongga ang darating na election dahil ang dami nang mga pangalang nababang­git. Ang daming personalities na maingay na lumilitaw. Baka maging life changer ang maganap at puwedeng magbago ang lahat.

Isa lang matibay at may political will ang magi­ging presidente natin, ‘yung may vision na parang Lee Kuan Yew ng Singapore noon, puwede pa ring ma­ging maayos ang lahat sa Pilipinas. Basta masipag, matapang at may vision, sure akong magiging number one uli tayo sa Asia.

Kahit si Lee Kuan Yew ang nagsabi nito noon, na nakikita niya na with a strong leader, we can always lead Asia.

Ang daming matatalino sa mga Pilipino, marami pa rin namang patriotic na gusto ang better Philippines, marami pa ring nagmamahal sa maganda nating bayan, isang leader lang na puwedeng gumawa nito ay magiging maayos na tayo.

Sana matagpuan na natin, sana mapili na natin at sana dumating na siya. Para mas lalo tayong makapagmalaki sa buong Asia.

Please give us that leader, my God. Show us the one.

MMFF entries, nag-e-effort para maraming manoNOod

Mabuti naman at kahit para bang hindi magiging ganu’n kainit ang festival this year, ‘yung entries excited pa rin sa pag-promote. Talagang halos araw-araw ay may invitation for Zoom presscon, may mga screening, may mga virtual eklabu or something.

Bongga rin na ang lahat ng kasali ay cooperative para umingay ang kanilang entries, one way of attracting the public to watch. Marami na nga akong naririnig na mga bata na gustong makita ang Magikland, mga nanay na magwa-watch daw ng Tagpuan at Coming Home, ‘yung Mang Kepweng at Isa Pang Bahag­hari.

Marami rin namang excited, hindi pa nga lang nila maintindihan ang mecha­nics kung paano manonood. Pero by this time, siguro naman alam na ng lahat kung paano, saan at ano ang gagawin para makapanood. Basta watch tayo at suportahan ang festival. Gawin nating merry and joyful ang Pasko.

LEE KUAN YEW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with