_ngayon
^
Excitement ni Jessy sa proposal ni Luis, binasag ng mga jeweler
Jessy
STAR/ File

Excitement ni Jessy sa proposal ni Luis, binasag ng mga jeweler

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2020 - 12:00am

Kahit bayad ang engagement ring

Oh my, grabe pala ang back story ng engagement ring ni Jessy Mendiola na binili ni Luis Manzano.

But to make the long story short, nagkaroon ng intrigahan ang dalawang jeweler dahil sa nasabing singsing kasi ipinakita kay Jessy ng friend niya na unang binilhan ni Luis ng mamahaling bato – Radiant Jewelry - ang nasabing singsing nung may problema sila ni Luis at muntik maghiwalay.

Doon na-offend si Jessy, na bakit kailangang ipakita at ipasukat sa kanya samantalang hindi pa naman niya alam kung pakakasalan pa siya ni Luis that time.

Nang magbalikan sila, wala na ang element ang surprise dahil naisukat na niya. Kaya nag-iba sila ng design ng singsing, at napunta nga sa Manila Studio, na pinag-umpisahan ng isyu.

In a nutshell, nabasag ang excitement ni Jessy sa pinakahihintay na proposal ni Luis.

Pero since bayad naman pala ito at hindi ex deal hindi na dapat naghahabol ang mga jeweler na ito. “Since friend ko siya, ‘yung first jeweler, ‘yung taong ito from Radiant Je­welry, alam niya ano ‘yung dream ring ko. Napag-usapan namin ‘yun.

“Please do not just take the credit on your own. We both designed the ring. Hindi kami nagsalita before kasi ayaw namin manira ng business ng ibang tao. Kahit masakit yung ginawa mo sa amin, we would never, ever want anyone to suffer because of such a little thing, because of a diamond.”

Dagdag pa niya - “Nalulungkot ako because an engagement is supposed to be a happy feeling, an engagement is supposed to be something light, full of love and no hate, but now that someone has put out a statement to put us and Manila Diamond in a bad light, I feel I had to clear everything out.

“Gusto lang namin mag-move on from this and gusto lang namin i-iwan to sa 2020, at ikasal sa 2021 na masaya kami na wala kaming taong iniisip, wala na kaming singsing na iniisip,” pahayag ni Jessy sa kanyang vlog.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with