^

PSN Showbiz

Nadine, hindi consistent!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Nadine, hindi consistent!
Nadine
STAR/ File

Kung pag-aaralan mo ang sinasabi ng kampo ni Nadine Lustre na ang Viva ay “abusive and oppressive” at sinasabi nga niyang hindi lang iyon sa kanyang kontrata kundi maski sa kontratang pinapi­pirmahan din sa ibang artists, magtataka ka rin kung bakit pumirma siya nang sunud-sunod na kontrata hanggang 2029.

Una siyang pumirma ng kontrata sa Viva noong 2009 para sa limang taon. Nang matapos ang unang kontratang iyon, pumirma siya ng panibagong kontrata noong 2014. Iyong pangalawang kontrata ay matatapos sana sa June 29, 2024. Ang hindi namin maintindihan, kung bakit makalipas lamang ang isang taon ay naisipan niyang pumirma na naman sa panibagong kontrata na nagpapahaba pa sa naunang 10-year contract ng limang taon pa, kaya matatapos na iyon sa June 29, 2029.

Ang tanong diyan, bakit isang taon pa lang ang nakalilipas sa kanyang 10-year contract, pinahaba pa iyon agad ng limang taon pang dagdag. Hindi ba niya napag-aralan na ang pini­pirmahan niya ay “abusive and oppressive” kagaya ng sinasabi niya ngayon?

Pero may mga nagsasabi nga na ang naging mitsa niyan ay ang pag-alis ni James Reid sa Viva. Bagama’t hindi pinigil ng Viva nang umalis si James, inaasahan nila na kukunin pa rin siya ng kumpanya para itambal kay Nadine, dahil click sila bilang isang loveteam. Iba ang naging aksiyon ng Viva. Gumawa sila ng mga eksperimento na itambal siya sa iba. Flop ang mga pelikula niyang hindi katambal si James, at inamin nila iyon.

Pagkakataon iyon para makabawi si James, dahil oras na kunin siya para itambal kay Nadine, makakapag-demand na siya nang mas mataas na talent fee, na hindi niya magawa noong under contract pa siya. Eh kaso mukhang desidido na rin ang producers na huwag nang kunin si James. Obviously, iyon ang naging mitsa ng lahat.

Lumalabas na kung hindi na itutuloy ang love team nila, ayaw na ni Nadine. Pero iyong sinasabi niyang one-sided contract, lahat naman iyan ganyan eh. Tingnan ninyo ang kontrata ng ibang kumpanya kung hindi ganyan din. Kasi ang katuwiran ng producers, malaking sugal iyan. Papaano kung hindi sila sumikat? Papaanong mababawi ang gastos sa kanila? Kung sumikat naman sila dahil namuhunan ang producers, at lalayas na agad sila, papaanong makakabawi ang producer. Magastos ang mag-build up ng artista.

Heart,  itinangging buntis

Hindi buntis si Heart Evangelista. Nag-deny ang aktres na siya ay buntis matapos na mapuna ng ilang netizens na mukhang malaki ang kanyang tiyan. Kung buntis si Heart, hindi niya itatago iyon. Ipagmamalaki pa niya dahil gusto naman talaga niyang magkaroon na ng anak. Hindi nga ba noon alam naman ng lahat na nabuntis na siya, iyon nga lang nakunan naman siya. Kaya nga ang lungkot niya noon dahil sa nangyari.

Dating male star tinanggihan sa halagang p15k

Tumawag ang isang dating male star, na hindi naman sumikat dahil pasaway sa isang movie wri­ter, na nag-alaga sa kanya noong araw. Sinabi niyang nasa Manila siya dahil sa isang seminar, pero uuwi rin daw siya sa kanilang probinsiya. Inamin niya na marami siyang bills na kailangang bayaran pag-uwi niya at wala na siyang pera. Inalok ng male star ang movie writer na mag-date sila, “kahit sa kotse na lang po ninyo tito puwede naman,” at sa halagang P20K. Hindi siya pinansin ng movie writer. Nag-message siya ulit “kahit po P15K na lang.” Hindi pa rin siya pinansin.

“Nakalimutan na yata niyang hindi na siya artista. Hindi na siya sikat. Hindi na rin siya ganoon kapogi at higit sa lahat matanda na siya,” sabi ng movie writer.

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with