_ngayon
^

PSN Showbiz

Bea hinahanapan pa rin ng kapalit sa serye ni Richard

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Bea hinahanapan pa rin ng kapalit sa serye ni Richard
Richard

Kung sakaling matutuloy na ang teleseryeng Kahit Minsan Lang ng ABS-CBN at makakuha na ng kapalit ni Bea Alonzo bilang leading lady ni Richard Gutierrez, hindi lang ang aktres ang mapapalitan sa teleseryeng ‘yon (tumanggi si Bea na mag-lock-in taping).

Kasama rin kasi sana sa teleserye si Isabelle Daza.

Eh, more than five months preggy na si Isabelle, kaya mukhang matatagalan bago siya makapagtrabaho uli.

Saka nasa Hong Kong din naman siya kung saan ay based ang mister niyang si Andrien Semblat na top executive ng isang product brand.

Close friend ni Isabelle si Raymond Gutierrez, kaya ang twin-brother ni Richard ang tinanong ko kung sa Hong Kong ba manganganak si Isabelle?

“I haven’t asked her,” sabi ni Raymond na ikinuwentong malaki na nga ang tiyan ng kanyang kaibigan.

Siyanga pala, ilang weeks ding nag-stay sa bansa si Isabelle bago siya bumalik sa Hong Kong.

May ilang TV guestings siyang ginawa at inasikaso rin ang ilang mga negosyo.

Pops at Martin, magiging abala na uli

Hinintay ko talaga na mag-12 midnight kahapon para batiin ng Happy Birthday si Pops Fernandez.

Sabi ko sa Concert Queen, mukhang lahat ay naghihintay ng 12 midnight para batiin siya. “Hahaha! Ang sweet naman!” sabi niya.

Pagdating nga ng 12 midnight, sunud-sunod na ang bati kay Pops.

Sa Viber group namin, lahat ay bumati sa kanya at pinasalamatan naman niya. Birthday break ni Pops ang pag-a-out of town nila kahapon kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan.

After, balik-work na naman siya dahil magiging abala sila ni Martin Nievera sa promotions ng weekly musical/talk show nila sa Colours Channel ng Cignal Cable, ang eXes & whYs with Pops and Martin na magpa-pilot telecast na sa Saturday, 9:00pm.

Sa Wednesday nga ng 1:00pm, may pa-presscon sila at live na mapapanood ‘yon sa social media accounts ni Pops, pati sa Cignal Cable page.

Ang bongga lang dahil kahit Zoom presscon ‘yon, magkasama sina Pops at Martin dahil pupunta ang una sa bahay ng huli dahil doon ang set-up ng kanilang online event.

Makakasama rin nila sa presscon na ‘yon ang panganay nilang si Robin Nievera na siyang direktor ng kanilang show.

Sabi ni Pops, kakaiba raw ang feeling na anak niya ang nagdidirek sa kanila ni Martin.

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with