^

Nagkakaedad na aktres, consistent ang pagsisinu­ngaling sa ipinagawang ilong

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2020 - 12:00am

Pagkatapos basahin kahapon ng isang magaling na direktor ang aming kolum tungkol sa pag-amin ni Angeline Quinto sa kanyang pagpaparetoke ay tumawag agad ito sa amin.

“Palakpakan natin si Angeline! Napakatotoo niya! Hindi niya ikinahihiya ang mga ipinabago niya sa mukha at katawan niya!

“Puhunan niya ang kagandahan, hindi lang ang galing niya sa pagkanta, nakapagitna siya sa entablado, kaya kapala-palakpak ang ginawa niyang pag-amin! Sana, nabasa rin ‘yun ng isang nagkakaedad nang aktres na sige pa rin sa pagdedenay tungkol sa pagpaparetoke niya!

“Nakikipaghamunan pa ang girl, kahit daw lapirutin ang ilong niya, e, hindi maaapektuhan, hindi raw made-deform, dahil hindi ‘yun retokado!

“Magtigil siya! Kung hindi sana namin kilala ang doktor na gumawa sa ilong niya, e, di lalo na siya! Fake ang ilong niya, nagpatangos siya, puwede ba?

“Kaya nga ingat na ingat siya sa mga eksenang may pisikalan, e! Mine-memorize niyang mabuti ang eksena, ang anggulo, dahil kapag tinamaan siya sa ilong, e, siguradong babalik siya sa doktor para magpaayos uli ng ilong niya!

“Huwag kaming mga nakakaalam, iba na lang, magtigil siya sa kapapatunay na original ang nose niya, dahil kilalang-kilala namin ang doktor na gumawa sa ilong niya!

“Wala raw retokado sa mukha niya? Puwes, kami naman ang magdidiin na there is, there is!” nakakalokang monologue ng magaling na direktor.

Ubos!

Dalawang aktor, nagkasukatan ng kasikatan

Pinagkukumpara ng mga taga-showbiz ang dalawang male personalities na sinasabing nag-aagawan sa trono bilang pinakasikat na aktor ng kasalukuyang panahon.

May kani-kanyang kampo ng mga tagahanga sina Actor A at Actor B. Magkaiba sila ng pinagseserbisyuhang network. Napansin lang ng magkakakuwentuhan na napakalaki ng nabawas na popularidad ni Actor A nang magkawindang-windang ang kanilang istasyon.

Sabi ng isang source sa grupo, “Pareho lang silang nagkaroon ng virtual concert, di ba? ‘Yung ginawa ni Actor A, walang dating! Ni hindi nga ‘yun pinag-usapan after.

“Pero si Actor B, panalung-panalo! Before and after his virtual concert, laman siya ng mga tabloids, trending siya sa social media!

“Alam na this! Hindi lang talaga tili at palakpak ang barometer ng kasikatan. Hindi lang basta kaguwapuhan! Right timing!” madiing sabi ng ­aming impormante.

Ubos uli!

Nadine, kinasuhan

May malaking problemang hinaharap ngayon si Nadine Lustre. Sinampahan siya ng asuntong breach of contract ng Viva Artists Agency.

Mula nang mag-artista ang young actress ay ang Viva Films na ang humahawak sa kanyang karera. Nagpirmahan sila ng kontrata ng VAA na lahat ng transaksiyon, malaki man o maliit, ay kailangang dumaan sa ahensiyang nag-aalaga sa kanyang karera.

Naging maayos naman ang kanilang relasyon, magagandang proyekto ang ibinigay ng VAA kay Nadine, na naging dahilan kung bakit siya nakilala at pinapurihan pa ngang magaling na aktres kinalaunan.

Pero may tenga ang VAA, marami nang nakararating na transaksiyon sa kanila na si Nadine lang ang nakikipag-usap sa third party, ineetsa-puwera na niya ang VAA.

Nu’ng nakaraang Enero ay nagpahayag si Nadine Lustre na ipinate-terminate na niya ang kanyang kontrata sa VAA. Siya na lang daw ang magmamaniobra sa kanyang career.

Hindi ganu’n kadaling gawin ang gusto niya. Maraming taon pa ang natitira sa pinirmahan niyang kontrata sa VAA. Napaka-bonding nu’n, mabisang-mabisa, dahil hindi naman siya tinutukan ng baril nang pirmahan niya ang kasunduan nila ng VAA.

Breach of contract, pagsira sa isang kasunduan, isang malaking usapin ang kailangang paghandaan ngayon ni Nadine Lustre para idepensa ang kanyang sarili sa pagtanggap ng mga transaksiyong hindi dumaraan sa ahensiya.

May mga nagkokomento na impluwensiya ‘yun sa kanya ng karelasyon niyang si James Reid na bumitiw na rin sa VAA. Pero malaki ang pagkakaiba ng kanilang sitwasyon.

Ganyan ang karaniwang nangyayari kapag lumalaki na ang pangalan ng personalidad. Pakiramdam nila ay kayang-kaya na nilang patakbuhin ang kanilang career nang sila lang.

Nanghihinayang sila sa komisyong kinakaltas sa kanilang kinikita. May mga amuyong pang bumubulong sa kanila. ‘Yun ang pinaghuhugutan nila ng lakas ng loob.

Pero sana’y marunong silang magbalik sa pinakaugat ng kanilang pangarap. Sino ba ang nagbayo at nagsaing para maabot ang tagumpay na isang suntok sa buwan?

Ipinanganak ba ‘yun nang magda­magan lang?

AKTOR ANGELINE QUINTO NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with