^
Alden at Maine, wala nang pressure magkainlaban
Alden at Maine
STAR/ File

Alden at Maine, wala nang pressure magkainlaban

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2020 - 12:00am

Happiness talagang makita together sina Alden Ri­chards at Maine Mendoza. Kitang-kita mo sa dalawa na comfortable sila sa presence at parang best friends silang mag-usap.

Hindi na kasi sila pressured kaya naman ang ganda nilang tingnan ‘pag mag-uusap sila.

Cute ‘yung wish ni Maine na sana makakita na ng lovelife si Alden, at tuwang-tuwa naman si Alden sa happiness ni Maine. ‘Yung chemistry nila laging nandu’n, bagay na bagay sila physically, at swak ang kanilang repartee kaya nakakatuwa.

Suwerte naman ng Toktok delivery service na mu­ling napagsama ang dalawa. Bongga. Pahatid ka na now sa Toktok, Salve, dahil parang kasama mo sina Alden Richards at Maine Mendoza!

Korean-Pinoy, mahigpit ang samahan

Hindi ko alam na ‘yung samahan pala ng Korean-Filipino War veterans ay mayroong scho­larship para sa mga batang matalino pero walang magastos para sa college. PEFTOK ang pangalan ng organization at ang president ay si Max Young na naging veteran ng Korean war dahil pinadala ng ating military doon para sa South Korea.

Bongga ha, ‘yung scholarship para sa lahat ng pamilya ng mga beterano na hanggang ngayon ay tinutulungan nila.

Kaya pala medyo mahigpit ang bigkis ng Korea at Pilipino dahil na rin sa history of the past. Malay mo, Salve, baka isa sa mga type ko na oppa ay anak ng isang veteran na nakasali diyan ‘di bah? Kaloka, talagang hanggang doon naisali ko ang aking pagpa-fangirling. Naghahanap sila ng donasyon para nga sa scho­larship ng mga batang anak ng mga beterano na kasali sa organization. Kahit P500 daw ay malaki nang tulong. Kaya dahil Korean fans tayo, Salve, mag-donate na tayo, call mo na sina Rose, Vinia at Gorgy, para makapag-donate na sila.

ALDEN RI­CHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with