_ngayon
^
Cong. Niña, hindi nagbabago
Cong. Niña Taduran
STAR/ File

Cong. Niña, hindi nagbabago

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Talaga naman saludo ako kay Cong. Niña Taduran. Out of her busy schedules, naisingit pa rin niya ang pagdalaw sa Obra ni Nanay para ihatid ang kanyang Christmas gifts. Imagine na isa na siyang member ng Congress, kumbaga a notch higher na sa atin, Salve, pero hayun, para lang siyang ordinaryong kaibigan na naalala tayo ngayong Pasko.

More than the gifts, it is the friendship and respect na talagang tinatanaw kong malaking bagay na naging malapit tayo kay Niña Taduran.

Ever since, grabe ang ipinakita niyang sincerity sa atin, hindi siya nagbago mula sa Niña Taduran ng radyo kasama si Raffy Tulfo, hanggang ngayon na nasa Congress siya. Kahit hanggang saan pa dalhin ng kanyang career si Cong. Niña Taduran, hindi tayo bibitaw sa suporta sa kanya, she is really a very precious gem, a very rare one. It is a big honor to be one of her friends.

Thank you, Cong. Niña Taduran.

Sen. Imee, mahilig sa showbiz

Mea culpa, mea culpa sa listahan ng senators na babae na gusto kong ma-eavesdrop ang conversation, hindi ko naisali ang most fun of them all, si Sen. Imee Marcos.

Si Sen. Imee pa naman, aside from Sen. Grace Poe, ang pinakamalapit na friend ng showbiz dahil halos sila ang talagang nasa mainstream ng grupo ng mga taga-pelikula. Si Sen. Grace Poe, dahil sa father niya na si FPJ, si Sen.Imee  naman dahil naging patron ng maraming showbiz projects, at natatandaan ko pa ang seminar niya para sa movie writers noon. Si Sen. Imee nga ang pinaka-’bakla’ among the lady senators, ang alam niyang mga street language, ‘yung ang dali niyang makuha ang mga joke, ‘yung interested siya sa halos lahat ng balitang showbiz.

Naku talaga, sure ako kung nagkakaroon ng conversation among them, the funniest will be Sen. Imee Marcos. At sure ako, lahat ng off the record ay sa kanya manggagaling. Hah hah hah.

GIFTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with