Andrea no. 1 sa Tiktok, aminadong hate mag-workout
Andrea
STAR/ File

Andrea no. 1 sa Tiktok, aminadong hate mag-workout

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Bongga, si Andrea Brillantes pala ang no. 1 local celebrity sa TikTok PH with 8.7 million followers.

Sumunod sa kanya ni Sanya Lopez and no. 3 si Vice Ganda.

Narito ang kumpletong listahan ng Most Popular Celebrities on TikTok in 2020

Andrea Brillantes @blythe

Sanya Lopez @sanya_lopez

Vice Ganda @unkabogableviceganda

Sofia Pablo @sofiapablo

Jodi Sta.Maria @jodi_stamaria

Maja Salvador @majasalvador88

Maymay Entrata @maymayentrata

Ella Cruz @queenellacruz

Heart Evangelista @lme85

Kyline Alcantara @itskyli­nealcantara3

Iba rin ang market ng TikTok. Pero hindi lahat ng celeb ay may TikTok dahil may effort ito.

Pero bakit kaya hindi kasama sa Top 10 si Gardo Verzosa na kinaaaliwan ang mga TikTok video? Minsan nga napagkakamalan na siyang bading dahil lagi siyang naka-heels at mas malandi pang kumimbot kesa sa wife na si Ivy Vicencio.

Going back to Andrea, isa si Andrea sa mga nag-renew ng contract with Star Magic the other night na eight years old lang pala siya nang mag-umpisa sa ABS-CBN.

Chika niya sa nasabing event, nagkaroon siya ng obsession sa milk tea nang magkaroon ng extension ang quarantine. Eh tamad daw siyang mag-exercise though nag-workout daw siya sa umpisa ng lockdown pero nang ma-extend ang quarantine natuto na siyang magluto at mag-bake kaya nag-gain siya ng weight. “I hate working out. I don’t workout talaga kasi I love food talaga, kung alam n’yo lang.”

Buti na lang daw at magla-lock in na siya sa series na ‘Wag Kang Mangamba kaya matitigil na ang slight addiction niya sa milk tea na mataas naman talaga ang number of calories at sinasabing nakakataba.

Ngayon ay nagda-diet na uli siya at inaaral niya ang character sa gagawin niyang series.

More than 10 million din ang followers ni Andrea sa Instagram.

ANDREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with