Pelikula ni Paulo na pinupuri sa abroad, mapapanood sa MMFF
Paulo
STAR/ File

Pelikula ni Paulo na pinupuri sa abroad, mapapanood sa MMFF

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Isa pang maganda ang feedback na kasali sa MMFF 2020 ay ang pelikulang pinagbibidahan ni Paulo Avelino na Fan Girl.

Yup, as in pinupuri nila si Paulo kung saan gumanap siyang popular movie actor na may stalker na babae na sinusundan siya hanggang sa kanyang mansion. Lumihis ang actor sa kanyang comfort zone sa pelikulang ito dahil may frontal nudity siya - kung saan may eksenang umiihi siya habang kinukunan ng picture ng fan.

Sa nasabing mansion nga nadiskubre ng fan / stalker na ginampanan ni Charlie Dizon ang darker side ni Paulo na ibang-iba sa nakikita at pinapakita ng kanyang fans.

Kasama sa mga nakapansin sa mahusay na acting ni Paulo sa Fan Girl ay ang Hollywood Reporter.

Dinirek ito ng multi-awarded na si Antoinette Jadaone at produced ng Black Sheep, Director Dan Villegas’ Project 8 cor San Juan, and Globe Studios.  It was featured in the Tokyo International Film Festival and the Telluride Film Festival.

Actually, hindi lang naman sa pelikulang pinupuri ang husay ni Paulo kundi maging ang performance niya sa drama series na Walang Hanggang Paalam kasama sina Angelica Panganiban at Zanjoe.

At bukod sa pagiging actor, abala na rin siya sa kasalukuyan working behind the camera as the co-producer for Aswang, one of two films in the iWant horror series Sitsit starring Ivana Alawin.

Kaya naman grateful si Paulo sa lahat ng blessings na dumara­ting sa kanya sa kasalukuyan despite these challenging times, and he feels even more optimistic for himself and the country in 2021.

Ray An Fuentes nanghihingi pa rin ng dasal para sa misis

Nanghihingi pa rin dasal ang dating singer na ngayon ay pastor na, si Ray An Fuentes matapos silang mag-infect ng COVID ng wife at anak nila. “LATEST ON MEI-LING:

She is still on a ventilator because she is so sick - the sickest one in the ICU right now.  They are working on her so hard but can’t assure me of positive improvement.

MY HEART IS CRYING AND BREAKING!!! And my soul feels so weary!

LORD, IF EVER SHE NEEDS YOU, SHE NEEDS YOU BADLY. RIGHT NOW!” ang kumpletong post niya sa kanyang Facebook accont kahapon.      

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with