Zsa Zsa nai-enjoy ang pagiging probinsyana
Zsa Zsa
STAR/ File

Zsa Zsa nai-enjoy ang pagiging probinsyana

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Nai-enjoy ngayon si Zsa Zsa Padilla ang simpleng pamumuhay sa probinsya. Naipundar ng singer ang kanyang Esperanza Farm sa Lucban, Quezon noong isang taon. Kapag walang trabaho ay madalas na nasa probinsya lamang si Zsa Zsa. “Hindi kasi ako lumaki sa probinsya. Laking Manila ako at sobrang nai-enjoy ko siya ngayon in my golden age. Life could be simple. If you want it to be. Siyempre katulad namin, itong mga nakikita n’yo ngayon ay pinangarap namin, plinano namin ito. Importante talaga na pag-iisipan at paplanuhin,” bungad ni Zsa Zsa.

“Sa panahon ngayon kailangang isipin natin kung ano ba talaga ang bagay na nakakapagpasaya sa atin, ‘yung hindi material. We have to connect to what we feel and everybody now parang feeling ko naghi-heal na tayo. We’re on the stage that we’re all healing and it’s important to give support to each other. I think it’s more important na healthy tayo. ‘Yon ang importante ngayon,” paliwanag ng Divine Diva.

Kasama ni Zsa Zsa sa naturang farm ang kasintahang si Conrad Onglao. Maraming hindi magagandang nangyari ngayong taon kaya para sa singer ay kinakailangan maging masaya pa rin kahit na mayroong mga problemang kinakaharap.

Kamakailan ay sinimulan na ng Divine Diva ang kanyang YouTube channel.  “Life is too short, parang touch and go ang buhay ngayon. Parang kausap mo ngayon bukas wala na siya. Sobrang daming uncertainties na nangyayari na naisip ko. I just want to be happy at kahit paano gusto mo mag-entertain. Siyempre nauso ang medium na YouTube so naisip ko na imbes na narito ako sa bahay gusto ko full force kumbaga. Para sa akin lang naman, ayaw ko ‘yung nasa bahay magkukwento. Gusto ko talaga lalabas ako at ibibigay ko sa tao sa feeling ko na magugustuhan nila,” paglalahad ng singer.

Joao, feeling lucky and blessed

Isang malaking karangalan para kay Joao Constancia na makaganap bilang leading man sa mga proyekto. Kabilang ang aktor sa pelikulang Four Sisters Before the Wedding na mapapanood na simula December 11. Ginampanan ni Joao ang karakter noon ni Bernard Palanca na si Chad sa Four Sisters and A Wedding. “Malalaman n’yo ‘yung istorya behind ‘yung relationship, story namin nina Alex and Bobbie. Kung bakit ganito ‘yung relationship naming tatlo at paano naging gano’n ‘yung relationship nina Bobbie at Alex,” nakangiting pahayag ni Joao.

Matatandaang sina Angel Locsin at Bea Alonzo ang gumanap noong 2013 bilang sina Alex at Bobbie. Ngayon naman ay sina Gillian Vicencio at Alexa Ilacad ang gumanap bilang mga batang Alex at Bobbie. Ayon kay Joao ay masarap sa pakiramdam na nakahanay bilang isa sa mga leading men sa kanyang henerasyon. “Being an emerging leading man it think we’re being lucky and blessed and during the pandemic we’re still able to work and we’re part of this amazing cast and crew. We’re part of this amazing film. Sana with God’s blessing and our management’s guidance, sana papunta na do’n sa direction na ‘yon sa career namin,” pagtatapos ng aktor.

Mapapanood ang Four Sisters Before The Wedding sa pamamagitan ng ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV at ng pay-per-view ng Sky Cable. (Reports from JCC )

ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with