Arjo waging Best Actor sa Asian Academy, Maine proud GF
Arjo at Maine
STAR/ File

Arjo waging Best Actor sa Asian Academy, Maine proud GF

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

Proud girlfriend si Maine Mendoza na ni-retweet ang post ng ABS-CBN director Nico Hernandez na nagwaging Best Actor si Arjo Atayde sa katatapos lang na Asian Aca­demy Creative Awards.

Nasa video ang acceptance speech ni Arjo na nagpasalamat sa ABS-CBN 2 at sa lahat na naging bahagi ng serye niyang Bagman sa iWant TV.

Natalo ni Arjo ang mga representatives ng ibang bansa gaya ng China na si Luo Jin ng Royal Nirvana, Hong Kong’s Anthony Wong para sa The Republic, India’s Manoj Bajpayee ng The Fami­ly Man, Indonesia’s Miller Khan ng Assalamualaikum Calon Imam, Malaysia’s Bront Palarae ng The Bridge Season 2, Myanmar’s Kha Ra ng Spirit of Fight (Season 2), Singapore’s Zhang Yao Dong ng Daybreak, Taiwan’s Ching-Ting Hsia ng The Story of Three Springs, at Thailand’s Prin Suparat ng My Husband in Law.

Pinasalamatan siyempre ni Arjo ang kanyang Mommy at Daddy, pero hindi niya kinalimutan ang mga kapwa aktor at binanggit niyang marami pang mga artista sa ating bansa na magaga­ling din. “I’m happy showing the Filipino talent out there. I’m just one the actors in the Philippines. There are a lot of brilliant actors, and I just hope to…for them to be able to show you even more of what we have in our country. I hope this is not the first and last. I hope this is just the beginning of everything,” bahagi ng speech ni Arjo.

Sa Twitter account ni Maine ay binanggit niyang siya ang biggest fan ng Kapamilya actor, “Waaaahhhh well-deserved!!! Wooot woot congratulations, @AtaydeArjo!!! Biggest fan,” nasa caption ng kanyang Twitter account.

Ruru may pa-banda sa kanyang birthday party

Simpleng handaan lang kasama ang buong pamilya at mga close friends ang celebration ng 23rd birthday ni Ruru Madrid.

Ginanap ito sa kanilang Madrid Summer House sa Antipolo na kung saan na-enjoy nilang magkumustahan dahil ang iba sa mga kamag-anak niya ay matagal din niyang hindi nakita. May bandang tumugtog sa buong party, kaya late na rin sila natapos na nagkantahan.

Sa mga kaibigan sa showbiz at katrabaho ni Ruru, sina Andre Paras at Lexi Gonzales lang ang namataan ng aming kaibigang nakadalo roon. Hindi lang daw niya alam kung meron pang nagdatingan pagka-alis niya.

Pero masaya si Ruru dahil kahit nasa gitna ng pandemya, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya. Kaya nga post niya sa kanyang Instagram account nung kaarawan niya; “This is my year of dreams coming true.”

Doon naman ay binati siya ng mga close friends niya at katrabaho sa GMA 7 gaya nina Ju­lie Anne San Jose, Barbie Forteza, Jak Ro­berto, Mark Herras, Ryza Mae Dizon at marami pa.

Ang tanong siyempre ng lahat, dumating kaya sa birthday party ni Ruru si Bianca Umali? Wala si Bianca dahil naka-lock in taping siya para sa Legal Wives. 

Kyline ayaw tantanan ang pag-aaral

Ang daming napabilib kay Kyline Alcantara na talagang naisisingit niya ang pag-aaral sa gitna ng dami nang ginagawa niya.

Nung naka-lock in siya sa San Mateo, Rizal para sa Bilangin ang Bituin sa Langit, naitutuloy pa rin niya ang pag-aaral niya online sa University of Perpetual Help System sa Las Piñas.

Kapag break niya at hindi siya kasali sa eksena, nasisingit ni Kyline ang pag-aaral at naka-catch up naman daw siya. Nung nag-mediacon nga ang  Bilangin ang Bituin sa Langit, hindi na ito tinapos ng young actress dahil kailangan niyang humabol sa klase niya. “I’m very lucky po dahil ‘yung mga teachers po ng Perpetual, considerate naman po sila sa situation. Nangyari nga po ‘yung sa lock in taping, so may special quizzes, may special exams. Nakahabol naman po.

Bukas ay babalik na ang Bilangin…pero rerun muna ang mapapanood. Ang mga bagong episodes ay sa January 4 pa mapapanood.

Mapapanood din si Kyline sa All-Out Sundays, na kung saan kasama siya sa opening number ngayon na Christmas na Christimas pa rin ang tema. Sa AOS din pala ay isi-celebrate ni Alden Richards ang kanyang 10th anniversary sa showbiz, kasabay ng promo ng nalalapit niyang Alden’s Reality virtual concert.

ARJO MAINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with