^

PSN Showbiz

Michael Flores, hindi nakaangal nang mabukas-kotse

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Michael Flores, hindi nakaangal nang mabukas-kotse
Karaniwan na iyan lalo na kung ganitong magpa-Pasko. Natatandaan nga namin noon diyan sa CCP complex sa Pasay, basta malapit na ang Pasko dinodoble ng PCP 1 ang kanilang mga tauhan, dahil talamak na ang basag kotse.
STAR/ File

Kumain lang sa isang restaurant si Michael Flores, pag­labas niya ay nalaman na lang niyang siya pala ay biktima na ng basag kotse gang. Nakuha sa loob ng sasakyan niya ang isang badminton bag na baka napansing mamahalin ang kanyang raketa.

Karaniwan na iyan lalo na kung ganitong magpa-Pasko. Natatandaan nga namin noon diyan sa CCP complex sa Pasay, basta malapit na ang Pasko dinodoble ng PCP 1 ang kanilang mga tauhan, dahil talamak na ang basag kotse.

Malungkot iyong sinasabing dahil magpa-Pasko, maraming nangangailangan ng pera kaya marami rin ang basag kotse. Dapat din kayong maging aware na kahit na sa pay parking diyan sa mga mall na iyan, basta nabasagan ka ng kotse, hindi nila sagot. Tingnan ninyo ang parking ticket, nakalagay doon na hindi nila sagot kung may mawawala o mawawala mismo ang sasakyan ninyo habang nasa parking nila. Ang binabayaran ninyo ay iyon lamang “right to park” at hindi ang security.

Kaya nga ang laging sinasabi ng pulisya, huwag kayong mag-iiwan ng mahalagang bagay sa loob ng sasakyan, lalo na kung nakikita iyon mula sa labas. Baka may magka-interes, basag kotse na iyon.

Wala na ring nagawa si Michael Flores. Kanino nga ba siya aangal? Tiyak namang hindi rin pananagutan iyon ng restaurant kung saan siya nagpunta. Magkakamot ka na lang talaga ng ulo.

Hindi rin totoo iyong nabawasan ang krimen dahil sa pandemya, dumami pa nga at mahirap mo silang mahuli dahil naka-face mask pa sila.

Ang pinaka-magandang magagawa natin ay ibayong ingat na nga. Dapat matuto tayo ng leksiyon, kagaya nga ng nangyari kay Michael Flores.

Alam ninyo ang mga magnanakaw na iyan, mahusay kumilatis kung ang nakikita nila ay mamahaling bagay o hindi. Mainit ang mata nila sa mga laptop, cellphone, mga sports equipment at kung ano pa ang madali ring maibenta.

John lloyd tinubuan na uli ng buhok

“Mas pogi pa ngayon si John Lloyd Cruz,” sabi ng isang kakilala namin. Akala namin kung saan niya nakita si John Lloyd, iyon pala ay nag-shooting daw iyon ng isang commercial para sa isang wrist watch. “Hindi na kalbo si John Lloyd. Tumubo na ulit ang kanyang buhok at mukha ngang mas bata pa siya ngayon. Mukhang nakabuti sa kanya iyong mahaba niyang bakasyon,” sabi pa ng kakilala namin.

Nag-post din si John Lloyd sa kanyang social media account ng kopya ng ginawa niyang ad na iyon, at naglabas din siya ng ilang mga bagong pictures.

Nagmukha ngang bagets si John Lloyd. Hindi kami magtataka kung gawin siyang leading man ng mga aktres na mas batang ‘di hamak kaysa sa kanya.

Hanggang ngayon naman, marami pa rin ang nananabik na makita si John Lloyd. May sinasabing tv show na gagawin niya sa TV5. May nakahanda na rin daw siya film project. Sana nga gawin na niya.

Aktor na mga nanalo ng award, kailangan pa ring kumita ang pelikula

Nanalo na naman daw ng acting award ang isang actor at sa abroad pa. Ok iyon, pero ang tanong pa rin, kahit na panay ang panalo niya ng award, hindi pa rin siya itinuturing na big star. Kasi nga hindi naman kumikita ang kanyang mga ginagawang pelikula. Hindi rin siya nagre-rating kahit na sa telebisyon.

Mapapansin din kung may pumupuri man sa kanya, hindi naman mga totoong kritiko, at ang sinusulat ay pra la la lamang.

Maraming ganyan, panay ang panalo ng acting award, pero ano nga ba iyon kung hindi kumikita ang pelikula?

Naalala nga namin ang lagi umanong sinasabi noon ni Dona Sisang ng LVN, “makakain ba ninyo iyang trophy na iyan”.

Oo nga naman. Ang industriya ng pelikula ay negosyo. Kailangang kumita ang pelikula at bumalik ang puhunan ng mga producer para makapagpatuloy. Hindi maaari iyong mamumuhunan ka ng ilang milyong piso, tapos papakitaan ka lang ng trophy na ni hindi maibebenta.

vuukle comment

MICHAEL FLORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with