Lilipad sa teleserye sa 2021, Jane tuloy na ang paglunok ng bato sa Darna
Jane

Lilipad sa teleserye sa 2021, Jane tuloy na ang paglunok ng bato sa Darna

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

Magiging TV series na ang Darna. Yup, tuloy na tuloy na nga ang paglunok ng bato ni Jane de Leon sa 2021.

Magre-resume sila ng taping next year.

Babalik na rin siya sa pagti-training.

Pelikula sana ang proyekto na pagbibidahan ni Jane.

Si Angel Locsin ang original choice for the role. Pero nagkaroon siya ng problema sa spine.

Sumunod si Liza Soberano, pero nabali ang isang daliri niya sa ginawa niyang teleserye bago pa simulan ang pelikula.

Hanggang nagpa-audition sila. Si Jane ang nakapasa pero nagkaroon ng coronavirus pandemic kaya kinailangang itigil.

Hindi rin nabigyan ng franchise ang ABS-CBN.

Naglabas ng statement ang network tungkol dito - postponed indefinitely - pero naka-almost 40 percent na pala ito kaya pinanghihinayangan ng marami.

Pero kahapon nga matapos ang Star Magic contract signing media conference – sa mga nag-renew at bagong recruit ng talent arm na pamumunuan na ni Direk Lauren Dyogi starting next year, kinumpirma ni Jane na finally, magiging teleserye na ang Darna.

Kaya naman panay ang pasasalamat ni Jane sa mga boss ng network. “Hindi ko ini-expect, sinurprise nila ako,” pahayag ng young actress after ng contract signing niya with Star Magic at announcement ng Darna TV ni Ms. Cory Vidanes, ABS-CBN COO.

“Andun ang tiwala, na ibinigay sa akin ang bato. Blessed ako talaga. Nangingibabaw talaga sa akin ang kasiyahan, ganun. Excited ako sa darating pang chapters.”

Agree siyang roller coaster ang pinagdaanan ng nasabing proyekto. “Roller coaster na akala ko postponed. Ayoko na talaga sanang mag-expect. Ayun ang prinamis ko kay Lord na kahit na ano, na ayokong mag-expect kasi alam ko naman may mga darating na blessings. ‘Yun din naman ang sinabi ko nung nag-audition ako. Na kung hindi ako makukuha rito tatanggapin ko. Na baka para sa iba ito, sa ibang artista. Pero kung para sa akin magpapasalamat ako ng marami,” na nangyari na nga.

Before Darna, may gagawin muna siyang isa pang project this month.

Ano naman ang masasabi niya sa bashers na nagsasabing bakit siya ang napili sa iconic character ni Mars Ravelo. “Kailangan ko lang i-manage kung paano i-handle ang mga ganyan. Kasi kahit naman ako sa sarili ko tinatanong ko kung bakit ako ang napili.

“Pinag-pray ko naman ito kay Lord na gusto ko ring magkaroon ng opportunities pero hindi ko po inexpect ang Darna,” pag-amin pa ni Jane.

Bago ang nasabing media conference ay nagbigay na ng statement si Ms. Cory na “Tuloy na tuloy na po ang paglipad ni Darna. At ang gaganap bilang Darna ay walang iba kundi si Ms. Jane de Leon na patuloy na nagpapakita ng sipag at determinasyon sa paghahanda sa muling paglipad ni Darna.”

Bukod kay Jane, pumirma rin ng kontrata sa ABS-CBN ang tinaguriang Millennial Multimedia Idol  na si Kim Chiu, leading men na sina Enchong Dee, JM De Guzman, at Joseph Marco, MYX VJ at host na si Robi Domingo, Teen Idol na si Andrea Brillantes at aktres na si Kira Balinger and young actor Grae Fernandez. Sila ay sinamahan ng bagong P-Pop groups mula sa Star Hunt na BINI at SHA Boys.  

Mapapanood simula December 14 si Kim sa bagong palabas ng Dreamscape Entertainment na pinamagatang Bawal Lumabas at mainstay pa rin siya  sa ASAP Natin ‘To at It’s Showtime.  

Ang Gold Squad member naman na si Andrea ay bida sa Huwag Kang Mangamba, isang bagong teleseryeng aabangan ng lahat sa 2021. Mapapanood din sa nasabing teleserye ang Gold Squad members na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin. 

Samantala, muling bibida si JM ngayong 2021 sa Init sa Magdamag kasama sina Gerald Anderson at Yam Concepcion at may gagawin din siyang Star Cinema movie.  

Tampok naman sa dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ngayong taon si Joseph na kamakailan lang ay nagpasiklab bilang si Avel sa series na Ang Sa Iyo Ay Akin.  

Kasalukuyan namang host si Robi ng Pinoy Big Brother Connect, Pilipinas at Game KNB?   

Pumirma rin ng kontrata sa Star Magic si Kira na kasalukuyang gumaganap bilang Hope sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

Nagpabatid naman ng mensahe ng pag-asa si ABS-CBN chairman Mark Lopez tungkol sa patuloy na pagseserbisyo ng kompanya sa mga Pilipino sa naganap Star Magic Shines On event. “Maraming salamat sa inyong pagtitiwala. Sa pagbubukas ng bagong taon, kami ay umaasa at nananatiling positibo sa aming mga artista, ABS-CBN leaders, mga empleyado, at lalung-lalo na sa aming masusugid na Kapamilya,” saad ni Lopez.

Ayon naman kay ABS-CBN president and chief executive officer Carlo Katigbak, ang pagiging Kapamilya ay hindi lamang isang trabaho, kundi isang “calling” upang makapagsilbi sa sambayanang Pilipino. Pinasalamatan din niya ang Kapamilya artists na nanindigan para sa network sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan nito.

 

JANE DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with