Pagbabalik ng PBB, wala sa original plan
Toni at Robi

Pagbabalik ng PBB, wala sa original plan

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

Mananatiling konek­tado anuman ang mangyari.

Iyan ang sigaw ng Pinoy Big Brother Connect, ang ika-siyam na season ng PBB na mapapanood na simula ngayong Linggo (Dis­yembre 6) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at Kumu.

Pero wala pala sa original plan ang bagong edition ng PBB ayon mismo kay Direk Lauren Dyogi sa media conference nito last Thursday night. “Wala po talaga ito sa plano namin this year. “It’s a pleasant surprise kasi sa mga nangyari sa atin, hindi ba parang naghahanap tayo ng something familiar. We want to go back to an experience na na-miss mo. Having that opportunity to bring back PBB at this particular time, makasama ko ulit sina Bianca, sina Toni, ang ating mga housemate parang ang sarap sa puso ng pakiramdam. Exciting na babalik ang PBB this year. It’s something that we can look forward to,” dagdag ni Direk Dyogi na over all production in charge ng PBB.

Kaya naman kahit pa may pandemya, tuloy ang pag-abot sa pangarap ng 14 na opisyal na housemate na napiling maging bahagi ng reality show.

Makakasama pa rin sa pag-uumpisa ng teleserye ng totoong buhay  ang mga host na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Richard Juan.

Simula Lunes, unti-unti nang pinakikilala ang housemates na napili ni Kuya mula sa mahigit 177,000 na nag-audition sa Kumu.  Pawang mga miyembro umano ng Gen Z at millennials ang  housemates ni Kuya sa PBB Connect, na haharap sa mga task na magbibigay inspirasyon sa lahat na “kumunect” sa sariling kakayahan, “kumunect” sa pamilya, at “kumunect” sa lipunan.

Upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan, dumaan umano sila lahat sa medical, psychological, at COVID-19 exams bago naging opisyal na housemate.

TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with