Bianca, hindi inasahang makakatrabaho uli si Kuya!
Bianca

Bianca, hindi inasahang makakatrabaho uli si Kuya!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

Masayang-masaya si Bianca Gonzalez dahil malapit nang mapanood ang pina­kabagong edisyon ng Pinoy Big Brother. Hindi raw inasahan ng PBB host na posible itong mangyari dahil sa kinakaharap nating pandemya. “Grabe ‘yung hope na nabigay and even though new normal ang magiging set-up ng lahat, I hope everyone who is watching us, every­one who joined us, everyone who auditioned, knows na the entire team is doing our very best to give hope to everyone, happiness and inspiration,” paglalahad ni Bianca.

Para sa TV host ay malaking bagay din ang pagkakaroon ng bagong season ng PBB dahil maraming manggagawa ng ABS-CBN ang muling nakabalik sa trabaho. “It was so heartwar­ming to see na maraming staff na part ng retrenchment months ago are now back because PBB is back. So ang daming magandang bagay na nadala ng pagbabalik ng PBB. It means so much to the entire team,” nakangiting pahayag ni Bianca.

Dawn, natakot na ‘di matanggap ng mga anak ni justin

Tanggap na tanggap si Dawn Chang ng tatlong anak ni Justin Cuguyan bilang ka­sintahan. Limang taon nang magkarelasyon sina Dawn at Justin at wala naman daw naging problema sa mga anak ng aktor sa dating asawa. “Let’s admit, it’s not the ideal relationship for someone single na katulad ko. Siyempre ang gusto ng nanay natin, ng magulang, ‘yung parehas single para walang iniisip kasi extra isipin ‘yan. Despite the situation, despite it being not ideal, ang swerte ko kasi wala akong naging problema sa tatlong bata. Saka iniisip ko kung mag-a-adjust ako, siyempre mag-a-adjust din sila, lahat kami mag-a-adjust. Sobrang sarap sa pakiramdam na winelcome lang talaga nila ako,” pagbabahagi ni Dawn.

Noong una ay nakaram­dam umano ng pangamba ang aktres dahil baka hindi matanggap ng mga anak ni Justin. Namatay ang dating asawa ng aktor na ina ng tatlong bata. “Natakot ako kasi may friends ako na same situat­ion pero hindi sila gusto ng kids. Pero walang gano’n sa akin. Ang ganda ng pagpapalaki ni Justin at saka ng late wife niya sa mga bata. Na-meet ko si Lucas, he’s four years old, ngayon he’s nine and he’s starting to call me mommy. Hindi pa ako sanay pero ‘yung, ‘Oh my God, you can do this Dawn Chang. This is another phase of your life that you have to face, kaya mo ‘yan,’” kuwento ng dalaga.

Kahit marami nang naranasang pagsubok ang relasyon nina Dawn at Justin ay wala na raw ibang mahihiling pa ang aktres sa ngayon. “Kay Justin ko na-feel siguro ‘yung worst kind of relationship. Sa kanya ko rin na-feel ‘yung super best kind of relationship and I think that’s part of it,” makahulugang pahayag ng aktres. Reports from JCC

 

BIANCA GONZALEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with