Joseph, ginagawa na ang natutunan sa malaysia
Joseph

Joseph, ginagawa na ang natutunan sa malaysia

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Mapapanood na rin si Joseph Marco sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Iza Calzado. Bilang pinakabagong miyembro ng cast ay talagang naging maganda raw ang turing ng lahat sa aktor. “Ang maganda naman kasi dito sa lock-in (taping), it’s such a great team. Very inspiring lahat ng tao. Ang bait nila, ang gaan katrabaho, and the challenge here is ‘yung being away from your loved ones. ‘Yung wala ka sa bahay mo, wala ka sa comfort zone mo and nandito kami to really work and to focus with the project. I think maganda siya for characterization kasi talagang for two weeks ikaw ‘yung character na ‘yon. Walang risk of distraction na outside world and with the family and stuff. So talagang okay siya for me,” paglalahad ni Joseph.

Para sa aktor ay ibang-ibang karakter ang kanyang ginawa ngayon para sa naturang serye na kailangang pakaabangan ng mga manonood. “’Yung difference ng character, actually ibang-iba sila. But we’re going to do everything to protect our lady and ibang-iba ‘yung back story nila. Iba ‘yung pinanggalingan nila, iba ‘yung bubog nila and iba ‘yung bitbit nila. There’s so much I want to say about my character pero I can’t say. Madaming revelations sa character,” nakangiting pahayag ng binata.

Matatandaang nakapag-shooting si Marco sa Kuala Lumpur, Malaysia bago pa ipatupad ang community quarantine para sa crime thriller series na The Bridge. Ayon sa aktor ay marami siyang natutunan mula sa naging trabaho sa Malaysia na kanyang baon pagbalik sa Pilipinas. “Talagang nagko-collab sila, open sila to suggestions and nakaka-inspire lang. Ako naman kasi, when I see something effective I always apply it. ‘Yung mga bagay na natutunan ko abroad, I apply it especially here. Kasi it’s been parang almost eight months din last akong umarte in front of the camera and lahat ng natutunan ko do’n, ito ‘yung unang show na napag-apply-an ako,” kuwento ng aktor.

Matteo at Sarah, may ipon na para sa magiging anak

Mula nang magpakasal noong February 20, 2020 ay marami nang nagtatanong kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kung kailan planong bumuo ng pamilya. Ayon sa aktor ay ini-enjoy pa lamang nila ng Popstar Royalty ang bawat oras na magkasama at hindi sila nagmamadaling magkaroon ng anak. “We’re not really trying to have one right now. We’re just living the moment, enjoying each other’s company. To be honest, we may have been boyfriend-girlfriend for a long time but we never really got to spend much time together then. That’s why we’re not rushing. We just saw my sister gave birth. We want to savor that. I can’t wait to have our own, but in God’s time. We’ll see,” pagbabahagi ni Matteo.

Kung papalaring mabiyayaan ng anak sa susunod na taon ay wala naman daw magiging problema lalo pa’t may naipon ng pera ang mag-asawa para sa pamilya. “It’s important to be ready for things like that. We’ve been blessed because we’ve been working for a long time and we’re able to save enough. I’m lucky, too, that my parents have taught me how to invest properly in different ventures,” pagtatapat ng aktor.

-Reports from JCC-

JOSEPH MARCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with