PBB binabantayan ang kapalaran sa online!

PBB binabantayan ang kapalaran sa online!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Sa darating na Linggo na ang kick-off ng PBB Connect na mapapanood sa A2Z Channel, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, IWant TFC at sa ABS-CBN Entertainment Channel.

In-announce na sa kanilang KUMU account ang 14 housemates na papasok sa Bahay ni Kuya sa KUMU.

Nilinaw nilang sumunod sila sa lahat na safety protocols and guidelines, na kung saan ang lahat daw ng napili ay pumasa sa medical, psychological, at COVID-19 exams.

Ang susunod na tanong, maghi-hit kaya ito, ngayong hindi na napapanood sa pinakamalakas na TV network? Malakas ang kanilang online at social media account, pero hindi sapat iyon dahil iba pa rin talaga kapag nagri-rate sa TV.

Sa totoo lang, wala na nga akong naaalala sa huling PBB kung sino ang nanalo roon. Si Seth Fedelin lang ang naalala naming produkto nito.

GMA pursigido sa drama

Pursigido naman ang GMA 7 sa paggawa ng mga magagandang drama series na hindi pa gaanong na-tackle sa mga nakaraan nilang projects.

Interesting ang sisimulan nilang Legal Wives na pagbibidahan ni Dennis Trillo na kung saan dito malalantad ang mayamang kultura ng mga Maranao at gaganap na asawa rito ni Dennis na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Dagdag pa sa cast sina Cherie Gil, Al Tantay, Irma Adlawan at Bernard Palanca.

Ang isa pang binuong drama series ng GMA 7 ay ang Ang Dalawang Ikaw na kung saan gaganap dito si Ken Chan ng isang taong may dissociative identity disorder (DID) na parang Schizophrenic din ito. Ang suwerte kasi ni Ken sa mga ganitong proyekto lalo na’t napaka-challenging ng role. Nagsimula na siyang mag-firearm training dahil sa magkaiba talaga ang dalawang karakter na ginagampanan niya rito. This time, hindi niya kasama si Rita Daniela pero nandiyan pa rin ang tandem nilang dalawa.

Inaasahang first quarter of 2021 ay mapapanood na ang launching movie nilang dalawa na prinodyus ng Heaven’s Best Entertainment, ang Huling Ulan sa Tag-araw ni dinirek ni Louie Ignacio.

Macho dancer pinaliwanag ang kanyang ‘ari’

Nag-trending sa Twitter noong nakaraang linggo itong si Daddy Blake na kung saan naglabasan ang mga vidjakol ng ilang kalalakihan.

Isa nga sa nadamay dito ang bida ng pelikulang Anak ng Macho Dancer na si Sean de Guzman. May isang video na na-forward sa amin ang binatilyong nakatakip ang mukha at ang mata lang ang nakikita.

Ang sabi nila si Sean daw iyon na mukhang sa kanya nga ang katawan na iyon, pero nang makausap namin ang baguhang aktor sa radio program namin sa DZRH noong Martes ng gabi, mariin niya itong itinatanggi.

Hindi raw niya alam kung sino itong Daddy Blake, at nang makita nga raw niya ang pictures na ipinadala raw sa kanya ng mga kaibigan niya, sure siyang hindi siya iyon dahil hindi naman daw ganu’n ang itsura ng lumabas na ari doon sa video. “Madami nga po ang nagsasabing na parang ano raw na…uy Sean ikaw to ah. Sabi ko, ‘ha? Ba’t ako ang inaano nila na ako ‘yun? Hindi po ako ‘yun. Sinend po nila sa akin ‘yung mga picture, hindi naman ganito ‘yung ano ko? Hindi po. Hindi po ako ‘yun,” pagtatanggi ng binata.

Inamin lang ni Sean na meron siyang naka-video chat noon na babae na feeling niya na-set up lang siya. Pero hindi naman daw niya masasabing sex video iyon dahil sandali lang daw iyon na nakita ang kabuuan niya. Kaya sure daw siyang hindi siya ‘yung kumakalat at nag-trending na si Daddy Blake.

Sa ngayon ay malabo na raw siyang masangkot sa mga ganu’ng iskandalo. Masaya siya sa pagpasok niya sa showbiz at napakasuwerte raw niyang siya ang nakuhang bida sa Anak ng Macho Dancer na si Joel Lamangan pa ang nagdirek at nakakasama pa niya ang mga biga­ting de kalibreng artistang sina Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo, Rosanna Roces, Emilio Garcia at iba pang magagaling na cha­racter actors.

“Hanggang ngayon nga po hindi ako makapaniwala na dumating itong magandang pagkakataon sa akin. Award-winning actors pa lahat na nakasama ko. Pero ang dami po naming mabibigat na eksena talaga kay Sir Allan Paule,” sabi pa ni Sean.

PBB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with