Lani tuluyan nang iniwan kay Pops ang paghuhurado
Lani at Pops

Lani tuluyan nang iniwan kay Pops ang paghuhurado

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Yes ang sagot sa tanong kung mapapanood ba hanggang sa grand finals si Pops Fernandez bilang guest judge sa The Clash ng GMA 7.

No naman ang sagot sa tanong kung babalik pa ba si Lani Misalucha sa show para sa season na ito.

Nang magkausap kami ni Pops ay ikinuwentong malapit na siyang mag-taping para sa finals ng The Clash. At ang alam daw niya, sa next season na uli ng ng programa babalik si Lani.

Kung matatandaan, nagkasakit ang Asia’s Nightingale kaya pinalitan muna siya ni Pops, pero ‘yung guesting na ‘yon ng Concert Queen ay nagtuluy-tuloy na.

Marami nga pala ang nagugulat sa iba’t ibang hitsura ni Pops sa bawat episode ng The Clash. Marami rin ang nakagusto nang minsang mag-perform siya. At maganda sana kung sa finals ay may performance rin sila ng kapwa judges niyang sina Ai Ai delas Alas at Christian Bautista!

Ang Sa Iyo…, balik sa lock-in taping

Naka-lock-in taping na uli ang cast ng Ang Sa Iyo Ay Akin ng ABS-CBN.

In fairness, bonggang pinag-uusapan ang mga ganap sa bawat episode ng nasabing series na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Kahit sinasabing hindi pa kalakasan ang A2Z Channel 11 kung saan sila ipinapalabas, obvious naman na sinusundan sila sa Kapamilya Channel, iWantTFC app, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube Channel, plus sa TFC (The Filipino Channel).

Kahit pa walang franchise ang ABS-CBN, namamayagpag pa rin ang mga show nila. ‘Yung Christmas Station ID nga nila na ipinalabas na noong Tuesday after TV Patrol ay ang dami nang shares at milyun-milyon na agad ang views.

Christmas Station ID ng Kapamilya, grabe agad ang views

Speaking of Christmas Station ID ng Kapamilya network, ka-message ko si Richard Gutierrez the other night after ko mapanood ‘yon sa Kapamilya Channel. Sabi ko kay Richard na nasa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, maganda ‘yon at sabi niya maghapon daw nilang kinunan ang Christmas Station ID ng cast ng action-serye nila.

Naku, madugo rin pala ng shoot ng nasabing Christmas Station ID, kaya naman napakaganda, huh!

Alam mo, Ateng Salve, ang fans nga, grabe ang pagse-share sa social media ng Christmas Station ID, kaya talaga namang milyun-milyon na kaagad ang nakapanood no’n, huh!

Ang bongga! ‘Yun lang!

LANI MISALUCHA POPS FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with