^
Kokoy bumigay na kay Alex, pinagtaksilan si Barbie
Alex at Kokoy

Kokoy bumigay na kay Alex, pinagtaksilan si Barbie

(Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Mapipilitan nang aminin ni Mando (Kokoy De Santos) ang katotohanan tungkol sa kanyang sarili matapos niyang pagtaksilan ang girlfriend niya kasama ang kuya nitong si Barry (Alex Diaz) sa iWantTFC original series na Oh, Mando.

Hindi pa man nagtatagal ang relasyon ni Mando ay dalawang mabibigat na sikreto na agad ang itinatago niya mula kay Krisha (Barbie Imperial): na bakla siya at na may pagtingin siya sa kapatid nitong si Barry.

Kahit nagkakalapit na ang tatlo sa isa’t isa, hindi na nagawang itago pa ni Mando ang bugso ng kanyang damdamin at nagtapat na kay Barry na ito ang lalaki sa kanyang panaginip at ang taong pinakauna niyang minahal.

Nadala na rin si Barry ng emosyon niya at umaming may pagtingin din siya kay Mando, na nauwi sa halikan at isang mainit na gabi habang nagbabakasyon silang tatlo.

Habang walang kaalam-alam si Krisha sa panlolokong ginagawa sa kanya, patuloy namang naglalambingan sina Mando at Barry sa kanilang mga nakaw na sandali. Ngunit tila hindi tatagal ang panlilinlang nila dahil nahuli na si Mando ng dalawa niyang kaibigan at inudyok na aminin na kay Krisha ang katotohanan.

Sa teaser naman ng susunod na episode ngayong araw, ipinapakitang nagmamakaawa si Mando kay Barry na itigil na ang namamagitan sa kanila.

Tinugunan naman ito ni Barry ng, “Kung nagpakatotoo ka lang at inamin mong bakla ka hindi mo na sana ginamit ang kapatid ko para pagtakpan ang kabaklaan mo!”

Sa kabila ng gulo sa love life niya, unti-unti namang maiintindihan ni Mando ang naging karanasan ng sarili niyang ina (Andrea del Rosario), na dating iniwan ang kanyang ama para magpakatotoo sa sarili at sumama sa karelasyon nitong babae rin.

Hanggang kailan kayang lokohin nina Mando at Barry si Krisha? Magpa­katotoo na kaya si Mando sa sarili niya?­

Ang BL ang kasalukuyang kinababaliwan ng maraming viewers ngayon.

ALEX DIAZ KOKOY DE SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with