Actor/comedian na nag-positive sa first swab, nawindang
TIPMMG
STAR/ File

Actor/comedian na nag-positive sa first swab, nawindang

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Nananawagan pa rin si Nay Lolit Solis sa mga production ng network na sana ay maging careful sa kinukuhang mga testing clinics for COVID.

Iniwasan niya kahapon na i-mention ang name ni actor / comedian na may mga anak pang maliliit na nag-positive sa unang swab test bago sana pumasok sa taping. Na pinagdudahan ni actor /comedian dahil nga hindi naman siya lumalabas at ingat na ingat pero ganun ang nangyari.

So ang ginagawa raw ni actor/comedian ay nagpa-swab uli ito sa isang private clinic, at nag-negative siya.

Ang duda nila, baka nagkaroon ng mix up sa result ng swab test dahil nga sa rami nang nagpapa-swab sa production nila.

Kakawindang nga naman. At nakaka-cause ‘yun ng anxiety.

Anyway, isa lang ‘yun sa maraming pinag-chikahan sa episode 77 ng  number 1 digital talk show nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu na napapanood sa Facebook and YouTube page ng Pilipino Star NGAYON.

May source naman si Nay Cristy Fermin na nag-chika na may semblance of truth talaga ang issue na ikakasal na sina Luis Manzano and Jessy Mendiola. Pero sinabi ni Jessy sa isang interview na ang nag-viral niyang photo na nagsusukat ng wedding gown ay  last year pa raw at para sa isang eksena ng pelikula niyang Stranded.  “Kaya po hindi ako masaya tingnan, kasi ayaw ko po magpakasal sa eksena. Nood na lang po kayo sa Netflix! Makikita n’yo itong gown sa isa sa mga eksena,” sabi niya sa nasabing interview.

So ano ba talaga? Hihihi.

Alam din ni Nay Cristy ang totoong issue sa hiwalayan nina Derek Ramsay and Andrea Torres pero ayaw niya pang idetalye ang lahat-lahat kahapon.

Si Mr. Fu naman ay nabanggit ang tungkol sa isang female personality na tinakbuhan ng bagets na magnanakaw nang magising ito.

Kinda throwback na ang nasabing blind item, pero ang lakas ng aliw level.

Ang chika, one night pinasok ng magnanakaw ang bahay ni female personality pero bigla itong nagising kaya nang makita raw ito ng magnanakaw, tumalon diumano ito (magnanakaw) sa takot pero may mga nadalang bag na may laman na personal belongings.

The following morning, nagkalat daw ang gamit ni female personality at may photos na nakita ang mga pulis sa isang lugar na malapit sa bahay nito.Ang siste raw hindi raw makilala ang female personality sa photo dahil pala, practically, ginalaw na ang buong mukha ni female personality kaya iba na ang hitsura nito sa mukha nito ngayon.

Kaya ang duda nila, natakot ang bagets na magnanakaw kaya napatalon ito habang nahirapan namang i-verify ng mga pulis kung kanya nga ang mga nasabing kagamitan.

Hahaha.

Maraming maling hula ang viewers ng TIPMMG kahapon tungkol sa nasabing blind item.

Anyway, major sponsor kahapon ng TIPMMG, ang bagong Beautederm product na ini-endorse ni Bea Alonzo, ang Etre Clair Refreshing Mouth Spray.

TIPMMG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with