14 housemates ng PBB Connect, lantad na
Robi at Gino
STAR/ File

14 housemates ng PBB Connect, lantad na

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Sinimulan nang ipakilala ang 14 official housemates ng Pinoy Big Brother ngayong season sa Kumu, It’s Showtime, at TV Patrol bago pa ang kick-off ng PBB Connect sa Linggo (Disyembre 6).

Nailantad na ang mga mukha at pangalan ng mga housemate tulad nina Andrea Abaya,  “Ang Cheerdance Sweetheart ng Parañaque,” Justin Dizon, “Ang Courageous Cabalen ng Pampanga.” Kobie Brown, “Ang Charming Striker ng Parañaque,” at Jie-Ann Armero, “Ang Kwelang Fangirl ng Sarangani.”

Sa mga susunod na araw, magpapasilip din sa kanilang personalidad, talento, at kwento ng buhay ang iba pang official housemate kabilang sina “Single Momshie-kap ng Bataan,” “Striving Footballer ng Cebu,” “Ra-kweentera ng Quezon,”  “Alluring Accountant ng Australia,” “Shy Biker Boy ng Butuan,” “Bunsong Boksingero ng General Santos City,” “Miss Malakas ng Misamis Oriental,” “Military Son ng Palawan,” “Makatang Marikit ng Pangasinan,” at “Dong Diskarte ng Zamboanga Del Sur.”

Pumasa raw sila lahat sa medical, psychological, at COVID-19 exams para maging opisyal na housemate ngayong season.

Sila ang napili mula sa mahigit 177,000 na nag-audition sa Kumu mula sa buong mundo. Una na silang ipinakilala sa digital show na  PBB Kumulitan kasama ang isa sa hosts ng PBB Connect na si Robi Domingo at ang mga dating ring housemate na sina Kiara Takahashi, Shawntel Cruz, Jem Macatuno, Lie Reposposa, at Gino Roque IV.

Subaybayan ang nalalapit na pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong Linggo (Disyembre 6).

PBB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with