KC, ka-level ng beauty queen
KC
STAR/ File

KC, ka-level ng beauty queen

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Hindi ko maintindihan kung bakit may issue ‘yung sinabi ni KC Concepcion na mas close siya sa mga kapatid niya kay Gabby na sina Cloie at Garrie kesa sa mga kapatid kay Sharon Cuneta na sina Frankie at Miel.

Siyempre ‘yung age gap, tapos baka meron namang effort mula sa mga ito na laging may communication sila dahil nga halos magkalapit lang ang mga edad nila. Saka dapat pa bang gawing issue iyon, now na mga malalaki na sila?

Maganda naman ang naging paglaki ni KC, saka for a celebrity daughter na tulad niya na laging nasa limelight dahil sa breakup ng mga magulang niya, she came out of it very well, naka-graduate ng college, maganda ang disposition, matalino sa buhay at hindi takaw-pansin dahil tahimik lang.

Para sa akin, KC is a very well rounded lady na ipagmamalaki ng lahat ng magulang na maging daughter nila.

Suwerte nina Gabby at Sharon sa isang anak na tulad ni KC, independent at very intelligent. ‘Yung ganda ni KC, puwede mong sabihing kapantay ng mga beauty queen natin, kaya nga siguro intimidated ang marami sa kanya.

KC Concepcion is one lady worth admiring, sana nga makita niya ang hinahanap na happiness at magkaroon na ng sariling pamilya. Deserving siya to be happy.

Kim Soo Hyun, protektado ng six footer na security

Alam mo, Salve, ayaw maniwala ni Gorgy na noong makita natin sa Okada si Kim Soo Hyun at tili ako nang tili ng “I love you , Saranghae” ay tumitingin siya at smile nang smile sa akin, hah hah. Feeling ko nga diring-diri siya sa isang matandang 73 years old na parang luka-luka, hah hah.

Dahil nga crush ni Gorgy ngayon si Kim Soo Hyun at wina-watch niya ang It’s Okay To Not Be Okay, kaya inggit na inggit siya na nakita na natin ito in person.

Totoong mukha siyang mabait, at parang ok naman na siya ang highest paid actor sa Korea, dahil balita na very professional at wala itong attitude.

Kaya nga lang, grabe ang higpit ng mga six footer niyang security na talagang hindi ka makakalapit sa kanya, protected na protected siya.

Hanggang ngayon nanghihinayang si Gorgy na hindi natin siya isinama sa meet and greet ni Kim Soo Hyun sa Okada.

Ay naku, basta kay Jo In Sung pa rin ako.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with